Sa probinsya namin may mga gabing may instant ulam at gulay na kami sa hapag-kainan. Hindi namin binili, hindi namin hiningi, hindi namin inutang, hindi namin ninakaw, at lalong hindi namin minadyik! Ni hindi nga kami nag-effort magluto eh.. Eh saan nga ba galing? Galing sa mga mababait naming kapitbahay. At madalas nangyayare 'to pag may bonggang celebration - birthday, binyag , o kaya nanalo sa sabong!;)
Kultura na kase ang pagbabahagi ng biyayang natanggap mo sa kapitbahay kahit isang mangkok ng tinolang manok lang yan. ;)
Pero pang-probinsya nga lang ba ang kulturang tulad nyan?
Hindi ba applicable sa syudad yan? Sa probinsya lang ba umuulan ng biyaya?
Andami nating dahilan para hindi magawa ang kultura ng pagbibigayan. Pag inisa-isa pa natin ang lahat ng yun, makakagawa tayo ng isang buong novel at take note may sequels pa sa sobrang dami. At yun ang nakakatawa. Andaming tumatakbo sa utak natin para hindi magbigay, pero actually, isang mangkok ng tinolang manok lang ang kelangan ng taong dapat nating tulungan. At solb na sila. Masaya na sila. At maniwala ka, ikaw na nagbigay ay mahahawa rin sa kaligayahang naramdaman nila. Wag mo na lang alamin kung pano mangyayareng mahahawa ka sa kanila, yan kase ang madyik ng kultura ng pagbibigayan.
Magbigay tayo, mananalo pa tayo sa sabong.
;)
;)