Saturday, December 7, 2013

Pandesal

Tradisyon na ng bawat pinoy na pagkagising sa umaga, kape't pandesal ang hinahanap na pang-agahan.

Bilang isang Kristyano, tradisyon naman na sa pagkagising sa umaga, si Jesus ang unang hinahanap.. ang "pandesal" na nagmula sa langit.

Basahin natin at pagnilay-nilayan si John 6:32-40.

Halina't simulan natin ang bawat araw na hinahanap ang tinapay na nagbibigay buhay.

 :)

Friday, December 6, 2013

Debut

Marami na rin akong nadaluhang debut (18th bday) ng babae. Yung iba dun, debut ng friend ng friend ko, in short, "eat-and-run" ako. At lahat yun bongga. Lalo na sa pagkain.

May mga debut na sumasagi sa isip ko na sobrang mahal lang talaga ng mga magulang ang anak nila kaya nila ipinaghahanda ng ganung kabongga ang special na araw na tulad nito.

May mas bonggang handaan na mangyayari pag nagbalik-loob tayo sa Ama't Panginoon natin.


Halina't basahin natin si Luke 15:11-24. 

Ganun Nya tayo kamahal. 

Thursday, December 5, 2013

Eksampol

Sa skul nung nag-aaral pa tayo, para matutunan natin ang isang lesson lalo na pag math, kelangan natin ng examples. Sa examples kase tayo natututo. Sa examples natin binabase, halimbawa sa math, ang tamang paraan ng pagsagot. 

Bilang isang Kristyano, may example din tayong sinusundan - ang buhay ni Kristo. Hindi na natin kelangang pang mag-eksperimento't magkamali kung pano nga ba mabuhay kase lahat ng examples na dapat nating sundan eh ipinakita na Nya.


Pano nga ba Sya nabuhay?

Kaya kelangan nating magbasa ng mahiwaga Nyang diary, ang bible.

As a start, halina't alamin natin ang ilan sa mga dapat nating gawin, sundan at iwasan bilang isang Kristyano sa Ephesians 5:1-10.

Wednesday, December 4, 2013

Tongues

Nung bata ako, may isang paboritong linya ang lola ko pag may hinahanap akong bagay na hindi ko makita tas daldal lang ako ng daldal..

"Mata kase ang gamitin mo sa paghahanap, hindi bibig..".

Funny but true.. =))

Minsan ganun din tayo bilang Kristyano, imbis na hanapin ang sagot sa mga katanungan natin, mas umiiral sa atin ang pagiging reklamador natin.

Halina't buklatin natin si bible o kaya i-Google na lang natin si Luke 11:9-13 at alamin natin na sa bawat:


  • PANGANGAILANGAN, tayo ay bibigyan
  • PAGHAHANAP, tayo ay gagabayan
  • PAGBABALIK-LOOB, tayo ay tatanggapin pa rin
Amen!:)

Tuesday, December 3, 2013

Tubig

Araw-araw tayong umiinom ng tubig. Kase kelangan ng katawan natin. Pwedeng direkta sa gripo o kaya bumibili sa mga tindahan ng purified o distilled.

Pero gaano ba tayo kasigurado na ligtas nga yung tubig na iniinom natin? Eh hindi naman natin alam kung pano nga ba nila ginagawang maiinom ang tubig.

Hindi natin alam, pero may tiwala tayo.

Pag binasa natin si Hebrews 11:1-40, mas mamamangha ka sa kapangyarihan ng pagtitiwala.

Faith is believing even without seeing. :)