Monday, February 25, 2013

Tuldok


Isipin mo..
Sabi nila..
Ang lahat ng bagay..
Ay nagsimula..
Sa isang maliit at..
Sobrang bigat na..
.
tuldok..
At biglang..
"Bang!"..
Nag-eksplowd daw..
Ang tuldok na 'to..
At..
"poof!"..
Naging kokokrants..
Este..
Dun daw nagsimulang..
Ma-form yung mga..
Bagay-bagay..
Tulad ng..
Planets..
Asteroids..
Galaxies..
Aliens..
Stars..
Tulad nina..
Sharon Cuneta..
Nora Aunor..
At Ate V..
Akalain mo yun..
Sa isang tuldok lang..
Nabuo't..
Nagawa ang lahat ng bagay..
At..
Maraming naniniwala dito..
Imbis na maniwala..
Na may isang Nilalang..
Na dumampot ng putik..
At hinubog ito..
Ng dahan-dahan..
At may pag-iingat..
At naging tao..
Eto pa, eto pa..
Sabi nila..
Dapat daw lahat..
Dapat eh may "explanation"..
At may pruweba..
Kase daw ganito..
Ayaw nilang maniwalang..
Galing tayo sa putik..
At may isang magaling..
Na Naglikha..
Kase wala naman daw pruweba..
Sige, sige..
Pengeng pruweba..
Na magpapatunay..
Na..
Galing nga tayo sa..
.
Tuldok..
So..
Kung wala naman..
Ba't din tayo maniniwala..
Na galing tayo sa..
.
Tuldok..?
Ayon, kwits na..
Parehong walang pruweba..
Pero singit tayo ng isang..
Senaryo..
Sabihin nating ganito..
Sabihin nating..
Hindi pa naiimbento ang..
Tinapay..
Kunyare ang meron pa lang nun eh..
Kamotekyu..
Tas kunyare..
Ganito..
Poof!
Tadan!
May biglang lumabas na tinapay..
Umuusok..
At mainit-init pa..
Maniniwala ka bang..
Nag-transform ang..
Isang butil ng harina..
Ng kusa..
At naging tinapay..?
O mas paniniwalaan mong..
May isang nilalang..
Na sobrang galing..
At naisip nyang..
Mag-imbento ng meryenda..
Na gawa sa harina..
Na tatawagin nyang..
"Tinapay"..?
Siguro dahil..
Gusto na nyang itigil..
Ang karumal-dumal..
Na pagdumi't..
Pagbaho ng hangin..
na dulot ng..
"Flatulence"..
Paki-google translate na lang po..
Kung ano sa filipino..
Ang word na yan..
Para po sa kaalaman ng nakararami..
Kung totoo man pong..
Nag-eeksplowd ang tuldok..
Pwes, hindi lang po sya..
Ang may katangiang mag-eksplowd..
May isang bagay pa pong..
Sumasabog na..
"Aftermath" po ng..
Pagkain ng..
Kamotekyu..
At yun po ang sosyal na englis..
Na nagsisimula sa letter "F"..
Ngayon..
Kanino ang mas..
Kapani-paniwala..?
Tinapay na nanggaling..
Sa isang butil ng harina..
Na biglang na lang..
Nag-transform?
O tinapay na ginawa ng isang..
Nilalang..
Na tatawagin na lang natin..
Sa pangalang panadero..?
O sige..
Tuldukan na natin 'to..
Ganito na lang..
Sabihin na nating..
Galing nga sa isang..
Tuldok ang lahat..
Saan at sino naman kaya..
Ang nag-imbento't..
Nagpa-explode..
Sa sinasabi nilang..
Tuldok..?

Wednesday, February 20, 2013

Asaynment


May naalala lang ako..
Nung hayskul..
Ganito..
Isang umaga..
Presko pa't..
Hindi pa nangangamoy..
araw..
Habang nasa..
Ibang upuan..
At nakikipag..
halakhakan..
Sa kaklase..
Eh may biglang dumating..
Hulaan mo kung sino..
Titser namin..
So, agad-agad..
Balik sa pwesto't..
parang nakatanim na..
Sa sistema namin..
Step 1..
Tumayo ang lahat..
Step 2..
magmukhang mabait..
Step 3..
Hinga ng malalim..
Step 4..
At sabay-sabay sabihing..
"Good morning ma'am!"
Step 5..
Maupo ang lahat..
Step 6..
Panatilihin ang..
Pagiging mukhang-mabait..
Ayon na nga..
Nagsalita na ang titser namin..
"Get 1-half crosswise..
And we'll have a quiz.."
Tas biglang may magtatanong..
"Ma'am, crosswise?"
Nasa sistema na din..
Ng studyante ang magtanong..
Na ang sagot eh kakatapos lang sabihin..
Siguro..
Kino-confirm lang..
Tuloy tayo sa kwento..
So, ayon na nga..
Si titser namin..
Kumuha ng chalk..
Binura yung mga nakasulat sa board..
Kasama yung sa bandang kanan..
Sa bandang itaas..
Na ang nakasulat eh..
"Wear your footrug! Please save!"
Tas saka sya nagsulat..
Oo nga pala..
Algebra pala yung subject na yun..
Ayun, sa unang side nung board..
1 to 10..
Nung tiningnan ko yung mga tanong..
Sus!..
"Sisiw!"..
Tas sa kanang side naman nung board..
11 to 20..
Nung makita ko..
Sus!..
"Sisiw na naman!"..
Pero syempre may isang klasmeyt..
Na namroroblema..
Sabi nya..
"Ma'am,"..
Obviously..
Wala syang manners..
Di man lang nag-excuse..
Tuloy ang pagtatanong..
"Parang hindi po ata kasya..
Sa 1-half crosswise ang mga sagot.."
May point sya..
Problem solving..
Tas 1 to 20..
Tas 1-half crosswise lang?
Saan namin isisiksik ang lahat..
Ng mga sagot..
So si titser namin sumagot..
"Answer items number 1 to 10..
The rest are your assignment.."
"Ahhh!!"..
Sagot ng lahat..
Pero may tumakbo sa utak ko..
Na gusto ko ng sagutan..
At ipacheck na agad lahat..
Sa titser ko..
Kase nga..
Una..
Alam kong perpek..
At hindi ako magkakamali sa mga isasagot ko..
Kase alam ko ang lahat ng tanong..
At napag-aralan ko..
Pangalawa..
Sabi ko nga kanina..
"Sisiw!" lang..
At pangatlo..
Umatake na naman ang..
Guess wat?!
Kayabangan ko..
So gumawa ako ng paraan..
Niliitan ko ang sulat ko..
Ang sagot sa 1 to 10..
Ay ilalagay ko sa harap ng..
1-half crosswise na papel..
At ang 11 to 20..
Ay sa likod nito..
Tadan!
Kumasya naman lahat..
Nung matapos ko nang..
Sagutan lahat..
Hindi pa pala tapos ang iba..
So, antay muna ako ng ilang sandali..
Na makatapos ang iba..
Tas maya-maya..
Nung may naglakas-loob..
Ng mag-pass nung papel nya..
Nagpasa na din ako..
Hanggang sa lahat eh nakapag-pass na..
So eto si Ma'am..
Check!
Check!
Wrong!
Check!
Hindi ko papel yun..
Kase may wrong!..
Pagkatapos matsekan lahat..
Sinauli nya na..
Yung mga papel namin..
Ng may angas sa mukha..
Kinuha ko yung papel ko..
At ng silipin ko yung score..
Halos lumuwa ang mata ko't..
magunaw ang mundo ko..
Dahil..
Zero ako!
Bokya!
Ambilibabol!
Nung kinumpara ko naman..
Yung mga sagot ko..
Sa mga kaklase ko..
Tama naman lahat..
Nagtaka ako..
Kaya nilapitan ko titser ko..
Sabi..
"Ma'am, bat po zero ako?..
Parang tama naman po ata..
Ang mga sagot ko?"
Diretsahan..
At walang paliguy-ligoy..
Eto ang sagot nya..
"Simply because..
you didn't follow..
my instructions."
Kase ang sabi daw nya..
Sagutan lang ang 1 to 10..
At assignment ang 11 to 20..
Pero lahat daw sinagutan ko..
Nung una..
Sabi ko..
kalokohan yun..
Imbis na bumilib sya kase..
Nasagutan ko na ang lahat..
binokya nya pa tuloy ako..
Hindi pina-process ng utak ko..
Yung dahilan nya..
Pero kalaunan..
Natanggap ko din..
At naunawaan ang halaga nya..
Hindi porket..
Magaling ka..
O may mas alam ka..
Sa isang bagay..
Eh may kapangyarihan ka na't..
Karapatan ka ng..
Labagin..
O wag sumunod sa mga..
"instructions"..
Ng buhay..
Kaya..
Naisip ko yung mga..
tao..
Kung pano nila buksan..
Ang chippy..
"Tear here"..
Pero sa gitna bubutasin..
Gamit ang bolpen o lapis..
Ilang bote na ng sopdringks..
Ang ibinalik na wala ng takip?
Kahit na sa bote eh nakalagay ang..
"Always returned with cap."?
Ilang lugar na ba ang binaha..
Dahil sa tambak-tambak na basurang..
Bumara sa bawat kanal..
Na kung magmamasid ka lang..
Bawat kanto eh may nakasulat..
"Ilagay sa tamang tapunan..
Ang inyong mga basura"?
Ilang baga na ba ang nasira..
Dahil sa kakayosi..
Na kung tutuusin..
Eh hindi nagkulang ang..
Gobyerno sa pagpapaalalang..
"Balang araw, wala ka ng ibubuga.."?
Na ang ibig lang sabihin eh..
Pag hindi ka tumigil sa kakayosi..
Eh talagang..
"Goodbye world" ka..
Ilang banggaan ng kotse na ba ang nangyare..
Dahil sa hindi natin magawang sundin..
Ang karatulang..
"Slow Down"?
Ilang instructions na ba..
ang hindi natin nasunod?
Antayin pa ba nating..
Mabokya..
Para lang matuto..
Sa buhay?
Sana naman..
Tulad ng step by step..
Na ginagawa natin..
Nung hayskul pa tayo..
Pag dumadating ang titser natin..
Eh tumatak..
At maging bahagi..
Ng sistema din natin..
Ang pagiging masunurin..
Pero sana din..
Hindi lang para maging..
Mukhang mabait..
Kundi para maging..
Totoong..
Mabait..
At yan sana..
Ang maging asaynment natin..
Araw-araw..

Thursday, February 14, 2013

One Way Telepathy


Pst!
Alam mo bang..
Kaharap kita..
Ngayon?
At..
Hanggang ngayon..
Eh..
Patay na patay pa rin..
Ako sayo..
?
At hanggang ngayon eh..
Wala kang kamalay-malay..
Na kinakausap na pala kita..
Sa titig..
At nangangarap na..
Sana nga eh..
Kausap kita..
Ops..
Naknang!
Napatingin ka..
Naabutan mokong..
Nakatitig sayo..
Buti na lang..
May talent 'tong kilay kong..
Umakyat-baba..
Lalo na pag nahuhuli mong..
Nagnanakaw ng sulyap..
Sayo..
Ewan ko kung anong meron..
Sa pag-akyat-baba na 'to..
Basta ang alam ko..
Natural kong reaksyon yun..
Para makalusot..
O sige..
Hindi na lang para makalusot..
Kundi..
Para mangumusta..
Parang ganito..
"Kumusta?"..
Ng walang lumalabas..
Na salita..
Sa bibig..
Ganun na lang..
Para may kabuluhan..
Tas yun..
Sasagutin mo naman ako ng..
Ganito..
Ewan ko..
Pero..
Ugali mo na sigurong..
Kunyare..
Magsusungit sa nakatingin sayo't..
Bigla namang ngingiti..
Tsk!
Yan na nga bang..
Sinasabi ko..
Ewan ko ba..
Sulyap pa lang..
Ng mga mata mong..
Ngumingiti..
Maygad!
Heaven!
Rainbow!
Angels!
Ano pang pwedeng sabihin..
Para ma-ekspleyn ko lang..
Ang nararamdaman ko?
Parang nagliliwanag..
Ang buong hapong..
Papadilim..
Basta..
Laglag ang panga ko't..
Puso't..
Nayayanig..
Ang katinuan ko..
Tsk!
Para akong yoyo..
na kahit anong..
tapon mo saken palayo..
O sige..
Ampanget ng salitang..
Ginamit ko..
Reject na lang..
San na nga ba tayo?
Yun..
kahit ilang ulit na akong..
Nanguli't..
Ni-reject mo..
Eh..
Bumabalik pa din ako..
Sayong..
Umaasa't..
Nangangarap..
Tsk!
Ano bang meron sayo?
At..
Bakit ganun na lang..
Ang pagkahumaling ko..
?
...
Pst!
Ingat..
Pauwi ka na pala..
Bukas ulet..

Wednesday, February 13, 2013

Kuripot

Tara..
Laro tayo..
Kunyare bibili ako..
Hulaan mo..
kung ano..
750..
Pesos..
Ang presyo..
Hindi damit..
Hindi gadyet..
Hindi bag..
Hindi sapatos..
Hindi jacket..
Hindi salwal..
Hindi pagkain..
Ano ito?
Sirit?
Bulaklak..
Tama ang nabasa mo..
Bulaklak na ewan ko..
At sabi pa ng ibang tao..
Iba ang epekto sa babae..
Yung tipong pakiramdam daw nila..
Ewan ko kung totoo..
Eh prinsesa silang binibigyan ng kanilang..
"Prince Charming"..
Pero sabi naman ng iba..
Ang bulaklak daw ang sumisimbolo..
Ng pagiging babae..
Malamang..
Siguro..
Isa pang pwedeng dahilan..
Eh babaeng-babae ang pakiramdam..
Ng babaeng nakakatanggap..
Ng bulaklak..
Pero teka..
Balik tayo sa presyo..
Opo..
Mga suki..
Totoo po yan..
Hindi kunyarian..
Tipong pang-HARI..
Ang halaga..
Na hindi ko mawari..
Kung anong meron sa bulaklak na yun..
Lalo na ngayong..
"SEASON" ng mga puso..
Ika nga ng mga bata, balentayms..
Para sa iba..
Ibang makapal ang wallet..
Eh ano ngayon..
750 LANG pala..
Sisiw..
Pero sa ibang..
Ibang hindi naman hibang..
Eh gagawin ang lahat..
Mang-snats..
Mang-holdap..
Mangupit..
Mandugas..
Mangutang..
Magtipid..
Wag mananghalian..
Mag-side line..
Magbenta't mag-sanla ng kung anu-ano..
Relo..
TV..
Plantsa..
Cellphone..
At iba pa..
Para lang makabili..
Ng bulaklak..
Na kung aabangan mo..
Hindi pa mag-iisang linggo..
Maninilaw..
Malalaya..
Malalagas..
At mamamatay din ang mga talulot nito..
Tama, gagawin ang lahat..
Para lang mapatunayan..
At ipakita sa iniirog..
O iniibig..
O darling..
O mahal..
O thart..
O pangga..
O anumang tawag dyan..
Na NAPAKA-romantiko nya..
Opo..
Ganun po kamahal ang pagiging romantiko..
Sa panahon natin ngayon..
Hay..
Pag-ibig nga naman..
Ops..
Teka lang..
Pag-ibig..?
Kaya ba tayo nagiging romantiko..
Dahil sa pag-ibig..?
So, kelangan ba nating bumili ng napakamahal ng bagay..
Tulad halimbawa ng..
Uhmm..
Wala akong ibang maisip..
Tulad ng bulaklak..
Para lang maging romantiko?
At maiparamdam ang pagmamahal natin..
Sa isang tao?
In short..
Mahal ba magmahal?
Ewan ko lang ha..
Pero..
Oo, magiging korni..
Pero tingin ko..
Ganito..
Ang setting: dim light..
Kase gabi na..
Pero pwede ring hapon..
Tas naglalakad kayong dalawa..
Habang "HHWW"..
Ehem!
Holding Hands While Walking..
At may pa-sway-sway pa..
Habang naghuhulihan ng mga sulyap..
Ng bawat isa..
Habang nag-uusap..
Ng kung anu-anong bagay..
Ng mga maliligayang sandali..
Ng mga bagay na hindi pa napag-uusapan..
Ng mga mithiin..
Ng mga pangarap..
Sa buhay..
Para sa isa't isa..
Habang pinaparamdam..
Ang kahalagahan sa isa't-isa..
Ang pag-ibig sa isa't-isa..
Ng walang halong..
Kunyarian..
At hindi laro-laro lang..
Sa ilalim ng mga nagkikislapang mga bituin..
Sa tabi ng dagat..
O kahit sa tabi na lang ng park..
O kahit sa bubong na lang ng bahay nyo..
Ngayon, may presyo ba akong nabanggit?
Libre po ang lahat ng yun..
Libre po ang oras..
Libre po ang sandali..
Libre po ang pagkakataong mag-usap kayo..
Magkwetuhan..
Mas makilala pa ang bawat isa..
Libre po ang iparamdam..
Ang iyong pagmamahal..
Lahat po yan libre..
Hindi ba parang MAS romantiko ang mga "libreng" yun..?
Kesa sa sangkaparisong..
Bulaklak?

Sunday, February 10, 2013

Semi-transparent


Isang boteng..
Mountain dew..
At sandosenang isaw..
At barbekyu..
At sankaterbang..
Kanin..
At nag-uumapaw..
Na sawsawan..
Na kaysarap..
.
At isang..
Babaeng kaharap..
At maganda..
At maamo..
At syang dahilan..
Ng bawat..
Ngiti't..
Pagpaparaya ko't..
Pangangarap..
..
At ang lahat..
Ng yun ay..
Unti-unting..
Lumalabo..
At dumidilim..
At naglalaho..
...
At..
Napangingibabawan..
Ng bawat patak..
Ng ulan..
....
At unti-unting..
May naaninag..
Akong imahe..
At mukhang..
Walang laman..
Blanko..
At mga matang..
Tulala..
At 'di mawari..
Ang tinatanaw..
.....
At ibinabalik pala..
Ng hindi madamot..
Na salamin..
Ang sarili ko't..
Minumulat akong..
Maglakbay..
Sa katotohanan..
Habang..
Lulan..
Ng..
Bus.

Diksyunaryo

12-12-12, minsan lang napapadaan ang petsang tulad nyan. Petsang pare-pareho ang numero ng araw, buwan at huling dalawang numero ng taon.

End of the world na naman ba? Kapag kase may mga ganitong klaseng petsa, andaming nagsusulputang haka-haka at mga hula - magugunaw na daw ang mundo, uulan ng apoy, masasagasaan ng bulalakaw ang planet earth, etc.

Dyan tayo sanay - ang magbigay ng kahulugan sa mga bagay-bagay na kapuna-puna at kakaiba. Tama, wala namang mali at wala namang masama kung mag-iimbento o maniniwala sa mga ganung klaseng imbento. Ang kaso wala naman talagang kasiguraduhan at kabuluhan ang pagbibigay ng kahulugan, at kadalasan nauuwi lang sa takutan.

Mas maganda sana na imbis na mga petsa ang bigyan natin ng kahulugan, eh, buhay mismo natin ang gawin nating makabuluhan at gawan ng kahulugan sa bawat petsang dumadaan.

At teka, ang kahulugan pala ng “bawat petsa” ay araw-araw. Sigurado yan.

Yumanoyd

Ayon sa nobelang imbento ni Isaac Asimov, my tatlong batas na dapat sundin ang mga robot, at ito ay ang mga sumusunod:

  • First Law: A robot may not injure a human being or through inaction allow a human being to come to harm.
  • Second Law: A robot must obey the orders given to it by human beings except where such orders would conflict with the First Law.
  • A robot must protect its own existence as long as such protection does not conflict with the First or Second Law.
Ang buod ng tatlong batas na yan ay bilang robot wala kang karapatang manakit ng tao..

Ang tanong, kelangan pa ba nating maging robot para lang ma-realize nating wala rin tayong karapatang manakit ng kapwa nating tao? Tayo pang kapwa't kauri na natin?

Mag-isip.. Hindi ka robot.

Matt A. Nhong


Pano kung totoo pala..
Yung Atlantis..?
Pano kung may ginto pala..
Sa dulo ng bahaghari..?
Pano kung lahat ng isipin..
At gustuhin natin..
Eh nagkakatotoo..?
Pano kung isipin kita ngayon..
Dito sa piling ko..?

Kozinepek


Even the most beautiful..
And lovely flower dies..
When left unwatered..
And even the strongest fire..
Stops burning..
When deprived with fuel..
So does my heart..
That just feeds..
On love.

Abakada


A..
Alam mo bang..
Aba..
Abala ang puso ko..?
Abaka..
Abaka di mo alam..
Abakada..
Abakada tibok kaya nito ay para sayo..

Kailangan

Ang pangangailangan ay kailangan, kase paano mo masasabing nangangailangan ka kung wala ka naman talagang kailangan. Kaya kailangan mo munang mawalan o kaya magkaroon ng kawalan para magkaroon ng pangangailangan at para malaman mong kahit akala mo na nasa sayo na lahat ng mga kailangan mo ay malaman mong may mga bagay pa rin na kailangan mong malaman na kailangan mo pala, lalo na yung mga pangangailangang hindi kayang pantayan o bilhin ng salapi. At kailangan mong malaman na ang mga pangangailangan nating ito sa buhay ay kailangang dumaan at maranasan hindi dahil kailangan nating magdusa kung hindi dahil may kailangan tayong malamang magandang katotohanan. Kailangan nating mapagtanto na may Isang Mapagmahal at Galante na handang ibigay ang lahat ng ating mga pangangailangan at ang kailangan lang nating gawin ay mangailangan at isuko ang lahat ng ating pangangailangan sa Kanya.

Wag ka ng mag-alinlangan. Mangailangan ka na sa Kanya.