Sunday, February 10, 2013

Diksyunaryo

12-12-12, minsan lang napapadaan ang petsang tulad nyan. Petsang pare-pareho ang numero ng araw, buwan at huling dalawang numero ng taon.

End of the world na naman ba? Kapag kase may mga ganitong klaseng petsa, andaming nagsusulputang haka-haka at mga hula - magugunaw na daw ang mundo, uulan ng apoy, masasagasaan ng bulalakaw ang planet earth, etc.

Dyan tayo sanay - ang magbigay ng kahulugan sa mga bagay-bagay na kapuna-puna at kakaiba. Tama, wala namang mali at wala namang masama kung mag-iimbento o maniniwala sa mga ganung klaseng imbento. Ang kaso wala naman talagang kasiguraduhan at kabuluhan ang pagbibigay ng kahulugan, at kadalasan nauuwi lang sa takutan.

Mas maganda sana na imbis na mga petsa ang bigyan natin ng kahulugan, eh, buhay mismo natin ang gawin nating makabuluhan at gawan ng kahulugan sa bawat petsang dumadaan.

At teka, ang kahulugan pala ng “bawat petsa” ay araw-araw. Sigurado yan.

No comments:

Post a Comment