Wednesday, March 27, 2013

Golgotha


Nung panahong..
Hinahagupit..
Ng latigo..
Kino-koronahan..
Ng tinik..
At..
Pinapako..
Sa krus..
Si Kristo't..
Namatay..
At..
Nabuhay..
Para ialay..
Ang Kanyang buhay..
Para tubusin..
Ang..
Sangkatauhan..
Hindi lahat..
Ng tao..
Ay nandun..
Hindi lahat..
Ay nakikiluksa..
Nakikiramay..
Hindi lahat..
Present..
Hindi lahat..
Aware..
Na sila..
Ay nililigtas..
Na pala..
Ng Anak..
Ng Dyos..
Sa sumpa..
Ng kasalanan..
Kase..
Ewan ko lang..
Ang iba kase..
Andun..
Nag-rerelax..
Nag-eenjoy..
At..
Nasa..
Boracay.


Friday, March 15, 2013

Dyerni


Sa kalsada..
Ng buhay..
May iba't-ibang..
Klaseng..
Nilalang..
Kang..
Makakasalamuha..
.
May mga..
Tipong..
"Keep Distance"..
Yung..
Kumbaga..
Parang..
"Ops!..
Off-limits!..
Hanggang dyan ka lang..
Wag mong subuking..
Mapalapit saken..
Ayokong..
Pagdating ng araw..
Eh masage't..
Magasgasan mo..
Ang buhay ko"..
..
May mga tipo naman..
Na..
"For Hire"..
Sila yung mga..
Ikot..
Ng..
Ikot..
Sa kalsada..
Para lang..
Masakyan..
Sila naman yung..
Tumatakbo't..
Nabubuhay..
At parang nagsusumigaw..
Ng..
"Pwede ka..
Ka bang..
Sumakay..
Ng panghabambuhay..
Sa pasada ng..
Buhay ko..?
Andami na..
Kaseng nakisakay..
Saken..
Pero hindi nagtatagal..
Pumapara't..
Bumababa din.."
...
May mga tipong..
Ano naman..
Ah..
"Please keep your ticket for inspection"..
Sila yung..
Para sa kanila..
Bawal maki-ride..
Sa buhay nila..
Kung wala kang..
"Ticket"..
Sila yung..
Dapat..
Itatabi't..
Ipapasikat mo..
Sa kanila..
Ang "ticket" mo..
Sa oras na..
Nag-inspect na sila't..
Kenailangan na..
Ang "ticket" na..
Meron ka..
Parang..
Kung wala kang "ticket"..
Na ipapakita sa kanila..
Kahit anong..
Dahilan pa..
Ang meron ka..
Wala silang pakialam..
Basta't..
Oramismo..
Papara sila't..
Bumaba ka..
Kase wala kang..
"Ticket"..
....
Meron ding..
Yung tipong..
"Badge not honored"..
Sila naman..
Yung walang pake..
Kung sino..
Ka man..
O kung anong..
Meron ka..
Basta't kung hihitch..
Ka daw..
Sa byahe ng..
Buhay nila..
Wag mong..
Gamitin ang..
"Badge" mo..
Basta wag..
Ka lang daw mayabang..
At magiging..
"Smooth"..
Ang takbo..
Ng buhay..
Nyong dalawang..
Magkasama..
.....
Meron naman..
Yung mga tipong..
"How's my driving?"..
Sila yung..
Mga nilalang..
Na hindi lang..
Basta harurot..
Ng harurot..
Sa pagpapatakbo..
Ng buhay nila..
Sila yung..
Kumukuha ng..
Opinyon..
Galing sa iba..
Na syang gagamitin..
Naman nila..
Bilang gabay..
Kung kelangan..
Ba nilang magdahan-dahan..
Sa pagpapatakbo..
O kelangan na..
Nilang pabilisin..
Para marating..
Nila ang..
Destinasyong..
Tinatahak nila..
......
At eto..
Etong huli..
Eto yung tipong..
Superhero..
Eto yung..
Hindi lang..
Ang sariling..
Takbo ng buhay..
Ang iniisip nila..
Sila yung..
Dapat na..
Talagang..
Ginagaya..
Ng lahat ng..
Klase..
Ng Nilalang..
Sa kalsada..
Sila yung..
Tipong..
Pag sumakay ka..
Sa buhay nila..
Eh..
Titiyakin nilang..
Ligtas tayo..
Sila yung..
Mga tipong..
"To our valued customers..
Iingatan po namin kayo"..

Friday, March 8, 2013

Ekspayr


Nagro-grocery ako nun..
Tas parang..
May napansin ako..
Sa bandang likod..
Sinilip ko..
Binasa..
.
Expiration date:
08/03/2012
..
Sa paligid mo..
Ngayon..
Mag-obserba ka..
Isipin mo..
Oo nga noh..
Lahat ng bagay..
May "Expiration date"..
Napapanis..
Nasisira..
Kumukupas..
Rumurupok..
Nawawalan ng silbi..
Humihina..
Kumukulubot..
Nawawala sa uso..
Nawawala sa trend..
Nalalaos..
Kinakalawang..
Inuuod..
Inaalikabok..
...
Pero..
Hindi lang kase..
Ang mga bagay..
Na..
Na-obserbahan mo..
Ang nag-eekspayr..
....
Kuha ka ng salamin..
Harap ka..
Titigan mo..
.....
Tama..
Ikaw mismo..
At ang lahat..
Na nasayo..
Lahat na..
Nananalaytay sayo..
Lahat ng..
Bumubuo..
Sa pagkatao mo..
Ay..
May expiration date..
Din..
......
Talino..
Kakayahan..
Adhikain..
Oras..
Kalusugan..
Potensyal..
Pagmamahal..
Ilan lamang..
Sa mga kandidatong..
Pwedeng..
Mag-ekspayr..
.......
Kelan mo..
Gagamitin..
Ang talino mo..
Ng tama..
Ng may katuturan?
Kelan ka..
Magpapakitang gilas..
Sa mga kakayahang..
Ipinagkaloob sayo?
Oo..
May pangarap..
At..
Adhikain ka..
Pero kelan mo..
Sisimulan?
At kelan..
Mo pa yan..
Makakamtan?
Hanggang kelan ka..
Tutunganga..
At mag-aaksaya..
Ng oras..
Imbis na..
Gamitin..
Ang bawat segundo..
Para umunlad?
Anlakas ng pangangatawan..
Pero hanggang..
Kelan ka..
Magiging batugan?
May potensyal..
Pero kelan..
mo mapakikinabangan?
Punong-puno..
Ng pagnanais..
Na magmahal..
At mahalin..
Pero kelan..
Mo pa yan..
Maipararamdam..
At..
Mararamdaman?
........
Tsaka na lang ba?
Eh..
Pano kung..
Sa oras..
Pagkatapos..
Ng "tsakang"..
Sinasabi mo..
Kung saan..
Dun ka pa lang..
Gagalaw..
Tutulak..
Gagawa ng paraan..
At gagamitin..
Ang kung anuman..
Ang meron sayo..
Eh..
Huli ka na?
In short..
Pano kung..
Sa oras na yun..
Eh..
Ekspayr ka na?

Tuesday, March 5, 2013

Ekwals


Isipin natin..
Lahat tayo..
Puro teacher sa skul..
Kakain ka ba ng chalk?
O ng eraser..?
O sisipsip ng..
Pulang ink?
O kaya lahat tayo..
Engineers..
Kakain ka ba ng numbers?
O ng T-square?
O kaya..
Lahat tayo..
Accountants..
Masarap bang..
Kainin ang..
Kalkyuleytor..
Na sa bawat pag-nguya..
Eh..
Tumutunog pa?
Wag maliitin ang magsasaka..
O..
Kahit na sino pa..
Lahat may kakayahan..
Lahat may silbi..
Lahat may kontribusyon sa bawat isa..
Lahat may karapatan...
Lahat importante..
Lahat tayo..
Tao..
Nilikha..
Niya.:)