Nagro-grocery ako nun..
Tas parang..
May napansin ako..
Sa bandang likod..
Sinilip ko..
Binasa..
.
Expiration date:
08/03/2012
..
Sa paligid mo..
Ngayon..
Mag-obserba ka..
Isipin mo..
Oo nga noh..
Lahat ng bagay..
May "Expiration date"..
Napapanis..
Nasisira..
Kumukupas..
Rumurupok..
Nawawalan ng silbi..
Humihina..
Kumukulubot..
Nawawala sa uso..
Nawawala sa trend..
Nalalaos..
Kinakalawang..
Inuuod..
Inaalikabok..
...
Pero..
Hindi lang kase..
Ang mga bagay..
Na..
Na-obserbahan mo..
Ang nag-eekspayr..
....
Kuha ka ng salamin..
Harap ka..
Titigan mo..
.....
Tama..
Ikaw mismo..
At ang lahat..
Na nasayo..
Lahat na..
Nananalaytay sayo..
Lahat ng..
Bumubuo..
Sa pagkatao mo..
Ay..
May expiration date..
Din..
......
Talino..
Kakayahan..
Adhikain..
Oras..
Kalusugan..
Potensyal..
Pagmamahal..
Ilan lamang..
Sa mga kandidatong..
Pwedeng..
Mag-ekspayr..
.......
Kelan mo..
Gagamitin..
Ang talino mo..
Ng tama..
Ng may katuturan?
Kelan ka..
Magpapakitang gilas..
Sa mga kakayahang..
Ipinagkaloob sayo?
Oo..
May pangarap..
At..
Adhikain ka..
Pero kelan mo..
Sisimulan?
At kelan..
Mo pa yan..
Makakamtan?
Hanggang kelan ka..
Tutunganga..
At mag-aaksaya..
Ng oras..
Imbis na..
Gamitin..
Ang bawat segundo..
Para umunlad?
Anlakas ng pangangatawan..
Pero hanggang..
Kelan ka..
Magiging batugan?
May potensyal..
Pero kelan..
mo mapakikinabangan?
Punong-puno..
Ng pagnanais..
Na magmahal..
At mahalin..
Pero kelan..
Mo pa yan..
Maipararamdam..
At..
Mararamdaman?
........
Tsaka na lang ba?
Eh..
Pano kung..
Sa oras..
Pagkatapos..
Ng "tsakang"..
Sinasabi mo..
Kung saan..
Dun ka pa lang..
Gagalaw..
Tutulak..
Gagawa ng paraan..
At gagamitin..
Ang kung anuman..
Ang meron sayo..
Eh..
Huli ka na?
In short..
Pano kung..
Sa oras na yun..
Eh..
Ekspayr ka na?
No comments:
Post a Comment