Wednesday, April 24, 2013

Palarer Yunibers


May pinapanood akong..
Series ngayon..
Hindi naman ako mahilig..
Sa mga ganun..
Kase sa totoo lang..
Hindi ko nakakaptyur..
Lahat ng mga dayalog..
Nung mga naglalaro..
Sa kwento..
Minsan nga..
May episode na..
Natapos na lang..
Eh hindi ko pa na-gets..
Yung buong istorya..
Siguro..
Kung pagagawin ako..
Ng reaction paper..
O kaya summary na lang nung kwento..
Title lang ang maisusulat ko..
Sa kopun band..
With matching margin..
Na nakatupi..
Side-by-side..
Bottom and top..
Hmmnn..
Pero etong isang 'to..
Parang nahuhumaling ako..
Ulit..
Hindi ko na-gegets lahat..
Pero hindi naman ako..
Ganun ka-slow..
Para hindi ko maintindihan..
Yung iba..
Merong episode..
Na parang napaisip ako..
Habang pinapanood ko..
Yung episode na..
Kung saan inintrodyus..
Yung konsepto..
Nung parallel universe..
Ang ibig sabihin daw nyan..
Batay sa palabas..
Na pinapanood ko..
Yan daw yung..
May iba pang yunibers..
Na nag-eeksist..
Maliban sa yunibers..
Na meron tayo..
At sa bawat yunibers daw na yun..
Ay may eksaktong bersyon..
Ang bawat isa sa atin..
At habang pinapanood ko..
Yung palabas..
Napansin ko..
May iba't-ibang kwento..
Ng buhay..
Ang bawat..
Eksaktong bersyon..
Sa bawat yunibers..
Halimbawa..
Artista ka sa yunibers natin..
Pero sa ibang yunibers..
Isa ka lang..
Sa mga fans..
Ko..
(aherms! halimbawa lang naman..
Pagbigyan mo na..)..
O kaya..
Silent type ka dito sa yunibers natin..
Pero sa ibang yunibers..
Ikaw ang dahilan..
Nung pagkalat nung tsismis..
Na bading daw si..
(Hindi na ako magne-name drop..)..
Yung mga ganung halimbawa..
Tas yun..
Habang nakaharap..
Sa laptop..
At pinipilit intindihin..
Yung palabas..
Napaisip ako..
Pano kung totoo yung..
Sinasabi nung palabas..
Pano kung..
Sa ibang yunibers..
Eh..
Sobrang gwapong..
Artista daw ako..
?
Ano magiging reaksyon mo..
Sa kayabangan ko ngayon?
Pero dyowk lang!
Hindi..
Ganito kase..
Sa totoo lang..
Ikaw ang naiisip ko..
Habang nanonood..
At yung labstory na..
Binubuo natin ngayon..
Pano kung sa ibang yunibers..
Eh miski maging magkaibigan..
Eh hindi tayo naging ganun?
Anlungkot noh..
Tas dun sa ibang yunibers daw na yun..
Eh ansungit-sungit mo..
Suplada ka daw..
Tas si Ako..
Hanggang pangarap..
Ka lang daw..
Yung tipong nakatingala pa..
Sa mga bituin..
At sinusubukang..
Pagdugtung-dugtungin..
Ang bawat tala..
Yung tipong konekdadats na laro..
Para lang gawin..
Ang imahe nung mukha mo..
Nangangarap na..
Magkros yung landas natin..
Kunyare..
Tulad nung mga teleserye..
Magkakabanggaan daw tayo..
Tas dun si Ako..
Magkakaron ng tsans..
Na makilala ka..
Tas parang tyora ng Bigbang..
Dun magsisimula ang lahat..
"Sorry" muna..
Tas "hi"..
Tas sabay hingi ng selpon namber..
(Style ng mga lalake)..
Tas teksmeyt muna..
"Kain na u.."..
"Take care u.."..
"Good night.."..
"Sweet dreams.."
"I miss u.. jejeje!"..
Tas paramdam na..
Tas aminan na..
Tas ligaw na..
Tas yung happy ending na..
Magiging kayo ni Ako..
Tas..
Hindi pa pala..
Ending..
Sa part 2..
Magkakaroon kayo..
Ng family..
Tas magkakaanak..
Tas yung tipong...
May skedyul kayo..
Weekly..
Na mamamasyal sa luneta..
Na magmomovie marathon..
Na magpi-picnic..
Na magsisimba..
Na magkakasama..
Buong pamilya..
Yung mag-aaway kayo..
Sa iskedyul..
Nung pagtitimpla nung..
Gatas nung anak nyo..
Yung mapupuyat kayo..
Dahil..
Ayaw matulog..
At ngawa ng ngawa..
Ang baby nyo..
Tas dahan-dahan..
Sinusubaybayan..
At pinapanood nyo..
Yung bawat paglake't..
Pag-unlad nung..
Mga mga anak nyo..
Yung magiging proud kayo..
Kase taon-taon..
May medal yung anak nyo..
"Most helpful"..
Tas yung hanggang sa..
Magbinata't..
Magdalaga..
Magkasyota..
Magka-asawa..
Tas yung hanggang sa..
Magka-apo kayo..
Yung may magmamano na sa inyo..
Yung may tatawag na sa inyo ng..
"Granny"..
(Kase gusto nyo sosyal)..
Tas yung hanggang sa magreretire..
Na kayo sa trabaho..
Kase nirarayuma na kayo..
Yung hanggang..
Sa pumuti na..
Na lahat ng buhok..
Nyo't..
Mapanot..
Yung bawal na ang pork..
Bawal na ang beans..
At paunahan na kayong..
Maubos ang ngipin..
At gilagid na lang..
Ang ginagamit nyo..
Sa pag-nguya..
Ng magkasama..
Lahat ng mga yun..
Nasa isip pa lang..
Ni Ako..
Nilalaro't..
Nialalagyan pa ng iba't-ibang detalye..
Detalyeng..
Punum-puno ng pagmamahal..
At kilig..
Lahat ng mga yun..
Pangarap pa lang..
Ni Ako..
.
Kaya naisip ko't..
Napagtanto..
Ako na ang pinaka-mapalad..
Na bersyon ng sarili ko..
Kase..
Silang lahat na bersyon ko..
Sa ibang yunibers..
Malamang..
Hindi ka kilala..
O mas worst pa..
(mas na, worst pa)..
Pinapangarap ka lang nila..
At inaasam-asam..
At napag-isip-isip ko din..
Oo, mabagal akong maka-gets..
Pero eto..
Na-gets ko..
Na sa lahat ng bersyon..
Ako lang ang nabigyan..
Ng perpektong tsans..
Para makilala ka't..
Makasama ka't..
Mahalin ka't..
Mahalin mo din ako..
Ansarap sa feeling na ako..
Yung bersyon ko..
Yung gumagawa ng ewan na..
Artikol na 'to..
O sige, reaction paper na lang..
Reaction paper ng labstory natin..
Eh nararanasan na..
Yung pangarap lang..
Ng ibang bersyon ko..
At eto..
Pangako..
Marami man ang bersyon ko..
Malamang may bersyon ko din..
Na sinasaktan ka lang..
Pero ang bersyon..
Na meron ka ngayon..
Sa yunibers natin..
Oo, ang bersyon na meron ka..
Eh medyo sablay minsan..
Pero..
Ako ang bersyon..
Na gagawin ang lahat..
Para tuparin..
Ang mga pangarap..
Na nilalaro lang..
Sa isip..
At kinukulayan..
Ng mga nakakakilig na detalye..
Ng bersyon ko sa ibang yunibers..
Na pinangalanang kong..
Si Ako..
Oo..
Binubuo pa lang natin..
Ang labstory natin..
Pangako..
Itutuloy ko 'to..
Hanggang sa rayumahin na tayo't..
Andami ng masasakit sa iba't-ibang bahagi ng katawan..
Pangako..
Sa eksaktong yunibers na 'to..
Na tinutungtungan mo..
Makikita mo..
Ang eksaktong bersyon ko..
Sa bawat paggising mo..
Sa umaga'ng..
Proud na proud..
Na nakanganga't..
Tulog pa't..
Nakabuyangyang ang..
Magkabilang..
Gilagid.
Pangako..
Eto ang magiging..
Eksaktong yunibers..
Na may perpektong bersyon..
Ng labstory natin..
P.S..
Bulol ang taytel..
Pansin mo?
;)


Wednesday, April 10, 2013

Koyns


Kwentahin natin..
Ang populasyon..
Ng Pilipinas..
?
.
Sabihin na nating..
Isang milyon..
Tas..
Sabihin na nating..
Ang..
Pitong-daa't..
Limampung..
Libo..
Sa bilang na yun..
Ay mahihirap..
Tas..
Ang mahihirap na yun..
Ay..
Mga walang bahay..
"Worst case scenario"..
Ika nga..
Tas ganito..
Magkano ba ang bahay?
O sige..
Kunyare..
Limampung libo..
..
Sa unang sulyap..
Sa problema..
Para sa karamihan..
"Hopeless"..
...
Pero..
Teka..
May wirdo..
Akong naisip..
....
Ganito..
Ilan ulit..
Ang populasyon..
Natin?
Isang milyong..
Hmmn..
Sa bawat araw..
Ganito..
O sige..
Kunyare na muna..
Kunyare..
Sa bawat araw..
Lahat tayong..
Kabilang..
Sa isang milyon..
Na yun..
Eh magbibigay ng..
Piso..?
So..
Isang milyon tayo di ba?
Kung lahat tayo..
Magbibigay ng piso..
Kelangan pa ba nating..
Gamitan ng..
Kalkyuleytor..
Kung magkano..
Ang maiipon natin..
Sa bawat araw?
Isang milyong tao..
Isang milyong piso..
Sa isang araw..
...
Balik tayo..
Sa presyo ng bahay..
Limampung libo..
1M..
Debay-debayd..
50T..
Anong sagot?
Dalawampu..
Dalawampung tao..
Ang magkakaroon..
Ng bahay..
Sa isang araw..
Lang..
Eh pano kung..
Gawin natin 'to..
Sa isang buwan?
So..
20 tayms 30..
Ilan ang sagot?
Anim na daang..
Tao..
Ang magkakabahay..
Ilan ulit..
Ang walang bahay?
Pitong-daa't..
Limampung libo..
Debay-debayd ulit..
750T..
Debay-debayd..
600..
Ano ang lumabas..
Sa kalkyuleytor?
Labindalawang Libo't..
Limandaan..
Idebayd ulit natin..
Sa twelb..
Para makuha natin kung..
Ilang taon..
Ang gugugulin..
Para lahat ng mahihirap..
Ay magkabahay..
Pumapatak sa..
Isang libo't..
Apatnapu't..
Isang taon..
Antagal!!
Pero teka..
Teka..
Piso pa lang yun..
Pano kung dalawampiso?
o kaya, tatlumpiso?
O kaya, sampumpiso?
Aabutin lang tayo..
Ng..
Isang daang taon..
Para magkabahay..
Ang lahat..
Sampumpiso??
Teka lang..
Parang anglaki na..
Noh?
Teka lang muna..
Mas mahal pa po dyan..
Ang ekstra rays..
Na hindi natin nauubos..
Ang kalahating..
Kahang yosi..
Ang load para..
Makapag-anliteks..
To all network..
Ang baywan-tekwan..
Na pantalon..
Sa ukay-ukay..
At..
Ang DVD sa Baclaran..
....
Syempre..
Hindi pedeng..
Walang magrere-ak..
Sasabihin ng iba..
Sa atin..
"Wooh!! Kasalanan..
Nila yan..
Kung bakit sila..
Naghihirap..
At walang maayos..
Na tirahan..
Kasalanan ng mga..
Magulang nila..
Kasalanan ng mga..
Kamag-anak nila..
Kasalanan nila..
Kase tatamad-tamad..
Sila..
Pag tinulungan..
Pa natin..
Mamimihasa't..
Aasa't-aasa..
Na lang sila sa..
Sa sampumpisong..
Ibibigay natin..
Araw-araw..
Dapat..
Magsikap sila..
Na makaahon..
Sa kahairapan.."..
......
Pero..
Teka lang..
Kapatid..
Ganito kase..
Bakit may mga bagay..
Na hindi mo ginagawa't..
Hindi magawa?
Kase mahirap..
Kase hindi mo PA kayang..
gawin..
Kase hindi mo PA..
Alam kung saan..
Magsisimula..
Kase minsan pa nga..
Eh..
Nawawalan ka ng..
Pag-asa..
Na magagawa mo..
Ang isang bagay..
Siguro..
Marahil..
Yun din..
Ang dahilan..
Ng nakararami..
Kung bakit..
Lugmok pa din..
Sila sa kahirapan..
Kase anghirap..
Magsimula..
Kase hindi nila..
Alam kung..
Saan magsisimula..
Para makabangon..
Kase akala..
Nila..
"Hopeless" na..
Wala ng pag-asa..
Para sa kanila..
........
Kaya..
Ayon..
Siguro..
Bilang panimula..
Eh tulungan natin..
Silang makabangon..
Muna..
Yun bang..
Alalayan muna natin..
Silang tumayo..
Sa pagkakadapa..
At mula dun..
Tulungan..
Natin silang..
Tumayo..
Sa sarili nilang..
Mga paa..
Na kung saan..
Hindi na sila..
Habambuhay..
Na aasa pa..
Sa iba..
At..
Kunyare..
Simulan natin yun..
Sa pagkakaroon nila..
Ng..
Bahay..
.........
Wirdong..
Mungkahe lang..
......
Andami na..
Nating..
Inisip..
Na kumplikadong..
Paraan..
Para lang..
Masolusyunan..
Ang kahirapan..
Pero..
Mukang..
Walang naging..
Epektib..
Kase nga..
Kumplikado..
Hindi kayang..
Sundan ng ilan..
May agam-agam..
Ang nakararami..
Pero..
Kababayan..
Parang..
May simple..
Atang paraan..
At hindi kelangan..
Ng matalinong..
Utak..
Para maintindihan..
At yan..
Ay nasa kapangyarihan..
Ng mga..
Kumakalansing..
Sa mga bulsa natin..
Na tinatawag nating..
Koyns..
Bakit hindi natin..
Subukan..?