Kwentahin natin..
Ang populasyon..
Ng Pilipinas..
?
.
Sabihin na nating..
Isang milyon..
Tas..
Sabihin na nating..
Ang..
Pitong-daa't..
Limampung..
Libo..
Sa bilang na yun..
Ay mahihirap..
Tas..
Ang mahihirap na yun..
Ay..
Mga walang bahay..
"Worst case scenario"..
Ika nga..
Tas ganito..
Magkano ba ang bahay?
O sige..
Kunyare..
Limampung libo..
..
Sa unang sulyap..
Sa problema..
Para sa karamihan..
"Hopeless"..
...
Pero..
Teka..
May wirdo..
Akong naisip..
....
Ganito..
Ilan ulit..
Ang populasyon..
Natin?
Isang milyong..
Hmmn..
Sa bawat araw..
Ganito..
O sige..
Kunyare na muna..
Kunyare..
Sa bawat araw..
Lahat tayong..
Kabilang..
Sa isang milyon..
Na yun..
Eh magbibigay ng..
Piso..?
So..
Isang milyon tayo di ba?
Kung lahat tayo..
Magbibigay ng piso..
Kelangan pa ba nating..
Gamitan ng..
Kalkyuleytor..
Kung magkano..
Ang maiipon natin..
Sa bawat araw?
Isang milyong tao..
Isang milyong piso..
Sa isang araw..
...
Balik tayo..
Sa presyo ng bahay..
Limampung libo..
1M..
Debay-debayd..
50T..
Anong sagot?
Dalawampu..
Dalawampung tao..
Ang magkakaroon..
Ng bahay..
Sa isang araw..
Lang..
Eh pano kung..
Gawin natin 'to..
Sa isang buwan?
So..
20 tayms 30..
Ilan ang sagot?
Anim na daang..
Tao..
Ang magkakabahay..
Ilan ulit..
Ang walang bahay?
Pitong-daa't..
Limampung libo..
Debay-debayd ulit..
750T..
Debay-debayd..
600..
Ano ang lumabas..
Sa kalkyuleytor?
Labindalawang Libo't..
Limandaan..
Idebayd ulit natin..
Sa twelb..
Para makuha natin kung..
Ilang taon..
Ang gugugulin..
Para lahat ng mahihirap..
Ay magkabahay..
Pumapatak sa..
Isang libo't..
Apatnapu't..
Isang taon..
Antagal!!
Pero teka..
Teka..
Piso pa lang yun..
Pano kung dalawampiso?
o kaya, tatlumpiso?
O kaya, sampumpiso?
Aabutin lang tayo..
Ng..
Isang daang taon..
Para magkabahay..
Ang lahat..
Sampumpiso??
Teka lang..
Parang anglaki na..
Noh?
Teka lang muna..
Mas mahal pa po dyan..
Ang ekstra rays..
Na hindi natin nauubos..
Ang kalahating..
Kahang yosi..
Ang load para..
Makapag-anliteks..
To all network..
Ang baywan-tekwan..
Na pantalon..
Sa ukay-ukay..
At..
Ang DVD sa Baclaran..
....
Syempre..
Hindi pedeng..
Walang magrere-ak..
Sasabihin ng iba..
Sa atin..
"Wooh!! Kasalanan..
Nila yan..
Kung bakit sila..
Naghihirap..
At walang maayos..
Na tirahan..
Kasalanan ng mga..
Magulang nila..
Kasalanan ng mga..
Kamag-anak nila..
Kasalanan nila..
Kase tatamad-tamad..
Sila..
Pag tinulungan..
Pa natin..
Mamimihasa't..
Aasa't-aasa..
Na lang sila sa..
Sa sampumpisong..
Ibibigay natin..
Araw-araw..
Dapat..
Magsikap sila..
Na makaahon..
Sa kahairapan.."..
......
Pero..
Teka lang..
Kapatid..
Ganito kase..
Bakit may mga bagay..
Na hindi mo ginagawa't..
Hindi magawa?
Kase mahirap..
Kase hindi mo PA kayang..
gawin..
Kase hindi mo PA..
Alam kung saan..
Magsisimula..
Kase minsan pa nga..
Eh..
Nawawalan ka ng..
Pag-asa..
Na magagawa mo..
Ang isang bagay..
Siguro..
Marahil..
Yun din..
Ang dahilan..
Ng nakararami..
Kung bakit..
Lugmok pa din..
Sila sa kahirapan..
Kase anghirap..
Magsimula..
Kase hindi nila..
Alam kung..
Saan magsisimula..
Para makabangon..
Kase akala..
Nila..
"Hopeless" na..
Wala ng pag-asa..
Para sa kanila..
........
Kaya..
Ayon..
Siguro..
Bilang panimula..
Eh tulungan natin..
Silang makabangon..
Muna..
Yun bang..
Alalayan muna natin..
Silang tumayo..
Sa pagkakadapa..
At mula dun..
Tulungan..
Natin silang..
Tumayo..
Sa sarili nilang..
Mga paa..
Na kung saan..
Hindi na sila..
Habambuhay..
Na aasa pa..
Sa iba..
At..
Kunyare..
Simulan natin yun..
Sa pagkakaroon nila..
Ng..
Bahay..
.........
Wirdong..
Mungkahe lang..
......
Andami na..
Nating..
Inisip..
Na kumplikadong..
Paraan..
Para lang..
Masolusyunan..
Ang kahirapan..
Pero..
Mukang..
Walang naging..
Epektib..
Kase nga..
Kumplikado..
Hindi kayang..
Sundan ng ilan..
May agam-agam..
Ang nakararami..
Pero..
Kababayan..
Parang..
May simple..
Atang paraan..
At hindi kelangan..
Ng matalinong..
Utak..
Para maintindihan..
At yan..
Ay nasa kapangyarihan..
Ng mga..
Kumakalansing..
Sa mga bulsa natin..
Na tinatawag nating..
Koyns..
Bakit hindi natin..
Subukan..?
No comments:
Post a Comment