Wednesday, June 11, 2014

Duyan

Simpleng buhay lang ang maipapangako ko..
Isang bahay, katamtamang buhay at isang duyan..
Walang masyadong karangyaan, payak at hindi kumplikado..
Sa bawat pag-ikot ng oras, paggalaw ng araw..
Sa bawat pagsilang ng bagong umaga..
Hanggang sa pagbangon ng buwang walang kasing tapat..
Ang tanging hangad kapiling ka sa pagsayaw ng duyan..
Dito tayo gagawa ng mga sandali..
Dito tayo mahihimbing malayo sa masalimuot at madayang mundo..
Sa bawat pag-ugoy, nakaraan at kinabukasan ay ating susulyapan..
Dito iikot ang ating buhay..
Dito tayo mag-aaway, magkukulitan, hahalakhak, iiyak at mag-aakapan..
Masasaksihan natin ang bawat pagbitaw at pagsibol ng mga dahon..
Kikiligin tayo sa bawat ibong nag-iibigan..
At malalanghap natin ang iba't-ibang uri ng simoy ng panahon..
Dito sa duyan na ito tayo tatanda..
Dito sa duyan na ito lilipas ang lahat, mabubuo at tatag ang lahat ng tungkol sa atin..
Dito tayo magsisimula, mangagarap at mangangako..
Pag-uusapan natin ang kahit na pwedeng pag-usapan..
Di bale ng may kwenta o wala, ang mahalaga sa bawat pagbigkas ng ating mga bibig..
Ay nagtatama at nag-uusap ang ating mga mata ng masinsinan..
Dito sa duyan na ito..
Kung saan tunay at purong pagmamahal lang ang mararamdaman..
Oo, dito sa duyan na ito..
Kasama ka..

No comments:

Post a Comment