Umaga ng Pebrero 23. Linggo.. Pagkagising ko.. tingin sa cellphone.. may messsage.. galing sa tita ko.. "Ano kayang meron? Mangungulit na naman siguro ang mga ito..", sambit ko sa sarili ko.. Nagulat ako sa nabasa, "Ha?! Hinimatay lang, comatose agad?!".. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.. madaling paniwalaan na ng dahil sa asthma nahimatay sya. Pero ang nahimatay at nacomatose agad, parang "exag" naman ata.. Parang ambilis naman ata ng mga pangyayari.. Tawag sa tita ko.. ano daw ang gagawin.. mga bandang alas 3 daw ng hapon darating ang ambulance sa hospital. Kaya agad-agad akong bumangon, naligo at nagbihis. Mga alas 2, lakad na ako.. habang nasa byahe, dasal ako, "Lord, tulad ng ginawa mo sa Yolanda, please save my lola.".. pagkadating ko, "Saan si Nanay?", pag-uusisa ko.. nasa loob daw.. dasal ulit. "Lord, bigyan mo ako ng lakas ng loob..". Nakita ko ang isang nurse.. may ginagawa sya.. abala.. may pina-pump.. may nakahiga.. kilala ko yung mga paa at suot na damit.. binobomba ng nurse ang hangin sa lola ko.. lapit ako.. lola ko nga.. umaangat ang balikat at dibdib sa bawat paghinga.. tulog.. nakapikit.. walang malay.. first time akong makakita na pina-pump ang pasyente ng hangin.. first time akong makakita ng pasyenteng may nakakabit na tubo sa lalamunan.. first time kong makakita ng pasyenteng comatose.. first time ang lahat, si lola ko pa..hindi ko napigilan ang sarili ko.. sa awa, sakit at takot, napaluha ako sa tabi ng lola ko.. awa dahil hindi ko inaasahang mararanasan ni nanay ang ganung kalubhang karamdaman.. sakit dahil ramdam na ramdam ko ang pinagdadaanan nya sa bawat paghinga at pagtulo ng luha sa mga mata nya.. at takot na anumang oras maaaring sumuko na sya.. bigla akong nagalit kay Lord.. sabi ko, "Sinusubukan mo talaga ako ha?! Ganito ba talaga dapat?! Pinaparusahan mo ba ako?! Tinitingnan mo ba kung hanggang saan ako kakapit at magtitiwala Sayo?!". Sa mga oras na yun, iniisip ko napaka-unfair Nya. I asked Him, "If this is really Your will, grant me courage, strength and wisdom to face this challenge.". Lumipas ang ilang oras.. bumuti daw ang response ng katawan ng lola ko.. nakahinga ako ng malalim.. tuloy sa pagdadasal.. tapos, biglang hindi na naman naging stable.. pinu-push ng paulit-ulit ang dibdib ng lola ko ng mga nurses at doctor.. parang hindi maganda ang nangyayari.. natakot na naman ako.. lumayo muna ako para hindi ako masyadong mag-alala.. ng maya-maya lang, may narinig akong nag-iiyakan.. mga kamag-anak ko.. lumapit ako.. sabi ng doctor, hindi na daw kaya ng gamot at pag-pump ng hangin sa lola ko.. at masyado na daw nagulpi ang dibdib ng lola ko kaka-diin para gawing normal ang tibok ng puso nya.. at itutuloy na lang daw ang pagpump, pag hindi na kinaya, wala na daw silang magagawa.. ilang saglit lang.. bumigay na si nanay.. sumuko na sya.. iniwan na nya kami..
Gusto kong magpakatatag.. para sa mga kapatid at pinsan ko.. pero gusto kong umiyak.. gusto kong iiyak ang mga hindi maipaliwanag na emosyon.. wala na sya.. wala ng mag-aalaga saken sa tuwing dadalawin ko sya.. wala ng magtitimpla ng kape.. wala ng magtatanong kung kumain na ba ako.. wala ng mangungulit.. wala na akong hihigaang binti pag gusto kong matulog.. wala ng mag-aasikaso saken pag uuwi ako ng Leyte.. wala na akong mapagsasabihan ng mga sama ko ng loob.. lahat ng yun at iba pa, unti-unting kumakawala sa isip ko.. ayaw kong bitawan pero nagpupumiglas dahil yun ang katotohanan.. pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na may dahilan ang maagang pagpanaw ni nanay. Isa na yung wala syang aalahanin pa at wala na syang dadanasing karamdaman at di na nya kelangan pang magnebulizer.. at doon na lang ako kumukuha ng lakas..
Nakakatawa dahil nakayanan nyang panglabanan ang hagupit at hambalos ni Yolanda, pero sa simple at dati nya pang karamdaman sya bumigay at natalo.. naisip ko.. siguro nung mga panahon ng Yolanda, pwede ring oras na rin ni nanay nun.. pero dahil hindi pa namin sya nakakasama ng lubusan, pinagbigyan sya at kami ni Lord na magkasama-sama.. sabi pa nga niya (lola ko) sa'kin, "mabait si God sa'kin dahil naging survivor ako..". Truly God was kind for allowing us to spend precious moments before she left us..
Pang-apatnapu na araw ng kamatayan na nya ngayon (April 5, 2014).. aakyat na sya sa langit ng tuluyan.. sobrang namimiss na kita.. ingat sa pag-akyat 'nay. Pakibantayan na lang kaming lahat.
Rest in Eternal Peace.
I may not fully grasp and understand He's ultimate purpose of what happened in me and in my family, but I am certain that my lola is now in Good Hands. That alone is enough for me to believe in Him.
No comments:
Post a Comment