Hindi ko mabilang kung ilang sunny side up na itlog na ang nailuto mo sa'ken nung nag-aaral pa ako.. Kung ilang kalderong champorado at ilang pirasong tuyo ang inihanda mo sa lamesa para sa akin.. sinangag, automatic, pagkagising ko, pagsubo na lang ang kulang.. hindi ka masarap magluto, pero ang sarap ng instant pancit canton mo.. at ilang platitong ulam na ba ang naitabi mo dahil alam mong gutom ako pag-uwi ko? Naalala ko pa, galing ka sa isang handaan, at nagulat ako, may dala kang nakabalot sa tissue, at sabi mo pang-ulam ko.. pambihira, naisip mo pa yun?! Ikaw ang tigalaba ng mga damit ko dahil alam mong yan ang pinaka-ayaw kong gawin.. basta ako lang ang mag-iigib, swak na sayo yun.. nung nag-graduate ako ng elementary, binalot mo ang luma kong damit, at yun kunyare ang regalo mo saken.. natawa't nainis ako.. alam ko namang nagawa mo yun pra naman kahit papaano may gift din ako tulad ng ibang nag-graduate.. hindi ko alam kung nakailang beses kang tumakbo sa mga kapitbahay para lang may pambaon ako.. araw-araw, ginawa mo yun.. ng walang kapaguran.. ilang beses na kitang nasagot ng pabalang, pero ilang beses mo rin akong napatawad.. ilang beses mong sinasabi sakeng wag magkimkim ng galit, at hindi ko maintindihan dahil ikaw lang naman ang iniisip ko kung bakit masama ang loob ko sa ibang tao.. ilang beses mo ba akong hinila sa barber shop, para magmukha naman akong tao.. at ilang beses mo akong pinilit gumising ng maaga pag linggo para magsimba dahil tinatamad akong bumangon.. ikaw ang nagturong magkaron ako ng takot sa Diyos.. andaming alaalang naglalaro sa isip ko ngayon.. bawat alaalang ayaw kong bitawan.. lahat ng mga yun.. kasama ang paghalik ko sa kilikili mo.. alam ko mamimiss ko..
Nagsisimula pa lang akong bumawi sayo.. pero excited ka naman ata.. kaka-Yolanda pa lang eh, tsk! Medyo madaya ka pala..
...naging malaking bahagi at epekto ka sa buhay ko.. kung ano ako ngayon, halos lahat ng yun ay dahil sayo.. hindi ako marunong magluto, pero dahil sanay ako sa mga luto mo, sumasarap kapag ako ang kumakain.. kung sobra ang pananalig ko sa taas, eh dahil yun sayo.. pati asthma namana ko pa sayo..
"'nay.. okay na.. pahinga ka na.. mas maganda dun sa pupuntahan mo, wala ka ng mararamdamang sakit, wala ka ng proproblemahin.. magkikita pa kayo ni tatay.. sorry sa lahat ng mga katigasan ko ng ulo at pakikipag-away sayo.. at maraming maraming salamat sa pagturing mo sakin na parang anak.. maraming-maraming salamat sa pag-aaruga at pagmamahal.. sige na, pahinga ka na.. paalam na 'nay.."
Yan ang mga huling salitang ibinulong ko sa mga huling oras nya at...
"Mahal kita.. 'nay.."
No comments:
Post a Comment