Sunday, August 2, 2015

Maliit na Bagay

Maliliit na bagay..
Na may malalaking epekto..
Dahil galing sa puso..
Ako'y nabihag mo..

Maliit na bagay..
Paulit-ulit, makulit..
Sa maliit na panahon..
Namunga, lumago..

Maliit na bagay..
Na sa bawat paggising..
Hinahanap-hanap..
Nasanay na yata ako..

Maliit na bagay..
Pinagsaluhan..
Kumasya..
Masaya..

Maliit na bagay..
Ngunit salamat..
Sa pagtanggap..
Sa pagtitiwala..

Maliit na bagay..
Ang aking pag-uwi..
Kaya wag malumbay..
Magkikita tayong muli..

Liham Para Sayo

Mahal, kung nadurog man ang puso mo dahil mas pinili kong maging bato sa simula, ipagpaumanhin mo na ang aking naging kahangalan.. Hindi iyon para saktan ka, kung hindi dahil natatakot pa ako sa simula.. Ang sabi ko pa nga sayo, natatakot ako sa sarili ko dahil nakakasakit ako ng mga taong sa akin ay wala namang ginawang masama.. At sabi ko sa iyo ayaw ko ng manakit pa.. lalo na't ikaw pa.. Kaya mas pinili ko munang maging bato sa mga panahong iyon.. Pero mahal, tumayo ka na sa pagkakayuko.. Hayaan mo ako.. Hayaan mo akong yumuko't masugatan sa pagpulot ng mga bubog na ako ang may kagagawan.. Handa akong masugatan habang pinagdidikit-dikit at binubuo ang busilak mong puso na mahal ng puso kong nadurog at naging gusgusin ngunit mas pinili mo pa ring mahalin..

Mahal, wag kang mabagabag. Wag kang matakot. Dahil hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin na saluhin kita, dahil kusa kang minahal ng puso ko at mula noon ay mahigpit na kitang yakap-yakap. Kailan man ay hindi ko hahayaang mahulog ka sa kalungkutan kinakatakutan mo. Mahal, kung ako man sa iyo ay isang araw, halika, lumapit ka, wag kang matakot, wag kang mangamba, dahil hindi mo lang alam ako ang araw na nagliliyab ang pagmamahal para sayo.. Mahal, wag mong katakutan ang aking pagmamahal.. 

Mahal, oo, naikwento ko sa iyo ang tungkol sa mga bigong taong nagmahal ng todo at ibinuhos ang lahat-lahat para lamang sa taong mahal nila at nauwi lang sa wala. Mahal, isa ako sa mga bigong taong ito.. Naranasan ko ang magbigay ng lahat at nakatanggap lang ng kaunti kung mayroon man.. Pero iniwan ding tulala.. Ang mga kwentong iyon ay para ipaalam ko sa iyong natatakot na akong ibigay ulit ang nasimulan kong lahat.. Pero sa mga araw na nagdaan pagkatapos kong ikwento ang mga ito sa iyo, ipinaramdam mo sa akin na hindi ko na kailangan pang sisihin ang kasalukuyan at hinaharap ng dahil lang sa kagagawan ng mga karanasan ko sa nakaraan.. Mahal, ikaw ang aking kasalukuyan at parating ipanapanalanging hinaharap.. Mahal, huwag mong masubukang ako ay hadlangan.. ibubuhos ko ang lahat-lahat para sa taong mahal ko.. Mahal, ibubuhos ko ang lahat-lahat para sa iyo.. Matutulog tayong magkayakap, nakangiti at may malalim na pagmamahalan sa isa't-isa sa bawat gabing may lihim na pangakong magandang bukas.

Mahal, pitong bilyong tao sa planetang ito, sabi mo pa nga.. at napaka-swerte ko dahil sa pitong bilyong taong maaari mong pagpilian, ako ang iyong piniling mahalin.. Mahal, maliban doon, mapalad ako dahil kahit ang tingin ko sa sarili ko ay isang alikabok lamang sa buong kalawakan, walang pagod mong tinutuklas ang mga magaganda at matitingkad na bagay na mayroon ako na hindi ko man lang napapansin at nabibigyan halaga.. napakasarap sa puso ang magkaroon ng ganoong kasama sa buhay.. Mahal, binigyan mo ng kulay at tingkad ang kalawakan ng buhay ko sa pamamagitan ng iyong pagmamahal.. Maraming salamat.. Singlawak ng kalawakan ang pagmamahal na nararamdam ko para sa iyo..

Mahal, hahayaan ko na lang ang tanawin ng mga karagatan na paalalahanan ka kung gaano kalawak at kalalim ang pagmamahal ko sa iyo.. Mahal, ganyan kita kamahal..

Mahal, ang sarap ng kain ko kapag katabi kita.. Maliban sa dahilang para nakikita natin ang ibang tao ay ang purong pagnanais na makatabi ka.. Walang paglagyan ang sabik at pagmamahal ko at hindi sapat ang titig lang kapag tayo ay magkasama.. Nais kong katabi kita, hawakan kita, ipatong ang ulo ko sa balikat mo at sa kung ano pang ibang desperadong pamamaraan para lamang maramdaman kong nasa piling na kita.. Mahal, ngumingiti ang puso ko dahil sa iyo..

Mahal kita. At ang lahat ng mga pinagdadaanan natin ngayon ay paraan lang ng Imbentor ng pagmamahal upang mas mapagtibay natin ang pagmamahal natin sa isa't-isa. Tulad nga parati mong sinasabi sa akin: Mahal, kapit lang.

Thursday, August 14, 2014

NakakapaGOD

Gusto na namang makipaglaro ng aking utak.. mag-isip ng mga makukulit at may kabuluhang mga talata.. gustong pigain at kalikutin ang salitang NAPAPAGOD.. sa ibang sulok ko raw tingnan.. gawin ko raw english ang huling tatlong titik.. imbis na napapagod, magiging napapa-GOD.. Imbento.

Oo imbento nga.. hindi ko alam bat bigla kong naisip yun.. sadyang naglalayag sa ibang dimension ang maliit kong utak.. Ngunit ayaw kong hayaang hanggang sa diwa lang.. ayokong humantong sa imbento lang.. gusto kong lumubog pa sa kaila-ilaliman.. gusto kong tumuklas ng kayamanan.. ng kahulugan..

Kahulugan. Ano nga ba ang kahulugan..? Ito ba'y aking mapapakinabangan? Baka humantong lang sa kawalan ang lahat ng pinaghirapan.. Pag-isipan.

Ako'y naglayag.. at ako'y nagmasid.. pinansin ang lahat ng madadaanang kaalaman.. malawak.. sari-sari.. lahat may kanya-kanyang paninindigan at paniniwala.. mahiwaga.

Mahiwaga ang aking natuklasan.. isang ideyang pwedeng isabuhay.. Hindi ko aakalaing may natatago palang kayamanan.. ang nilaro kong salitang negatibo lamang para sa mga nilalang.. Negatibo.

Negatibo ang salitang NAPAPAGOD.. pag narinig mo ang salitang ito sa isang tao, ang unang papasok sa isip mo ay gusto na nitong itigil ang ginagawa at magpahinga.. Isuko ang digmaan. Itaas ang puting watawat ng kaalaman.. At gayahin ang nakararaming walang pakialam.. Ngunit ano nga ba ang mga bagay na nakakapagpapagod? Suliranin, trabaho, responsibilidad, kawalan, kahirapan at kapwa-tao? Nakakapagod pag-isipan ang mga problemang tila may imposibleng paraan. Nakakapagod ang araw-araw na pagtratrabaho para lang mabuhay.. nakakapagod ang responsibilidad bilang asawa, magulang, kapatid, kaibigan at responsibilidad bilang isang mamamayan ng mundo at mamamayan ng Diyos..nakakapagod pakisamahan at magpatawad sa mga taong walang inisip kundi ang manglamang at ulit-ulitin ang pangungunsumi sa buhay natin.. Nakakapagod mangarap ng mga bagay na kay hirap kamtan.. nakakapagod ang maramdaman at makita ang mga taong naghihirap.. Nakakapagod..

Hindi ko na pahahabain pa ang kwentong para sa iba ay walang kwenta.. nakakapagod rin kaseng magtype at magbasa ng mga mahahabang kwento tulad nito (gusto ko na ring magpasalamat at umabot ka sa pangungusap na ito).. didiretsahin na kita.. magtatanong lang naman ako tulad ng pagtatanong ko sa sarili ko.. sa gitna ng mga bagay at dahilan na napapagod ka, mga bagay na hindi mo na kayang hawakan minsan, ito rin ba ang mga dahilan upang mas lumapit ka sa Diyos? In other words, mas napapa-GOD ka ba o napapagod lang talaga?

Ngayong gabi bago matulog, magmuni-muni. Maglayag. Mag-isip. May kabuluhan nga ba ang mga bagay na nakakapagod sa atin? Napapagod ka na ba sa mga bagay na ginagawa mong maaaring makatulong sa pagbabago ng agos ng mga makamundong paniniwala ngunit hindi nabibigyan ng pansin at isinasawalang-bahala lang ng iba? At kung napapagod ka na nga, napapa-God ka rin ba? Mahiwaga rin ang matutuklasan mo. Wag kang mapagod mag-isip ng mga bagay na pwedeng magbigay ng sagot at dahilan sa mga malalabong bagay na wala ng paki ang mundo kung malabo man.. At maaaring makaimbento ka rin ng mga bagay na pwede mong maisabuhay at maisabuhay rin ng ibang nilalang.

Piliin at gawin ang mga bagay na nakakapagod at nakakapa-God.

Wednesday, June 11, 2014

Mitsa

     May hangganan ang buhay - bilang, limitado, maikli.. Parang paputok, may mitsa.. Araw-araw may isinisilang, araw-araw may namamaalam... At nasa sayo kung anong klaseng nilalang ang gusto mong maging sa pagitan ng simula't wakas na ito.. Ang tanong, sa pagkaubos ng mitsa ng buhay mo, isa ka bang paputok na bubulahaw lang sa tenga ng ibang tao o isa kang kwitis na titingalain ng lahat dahil sa tingkad ng kulay at liwanag na naidulot mo? 

     Nasa pagitan ka pa lang ng buhay mo, ibig sabihin, may sapat na panahon at pagkakataon ka pa para magbago kung kelangan pang magbago, ayusin ang mga kelangan pang ayusin, linawin ang mga kelangan pang linawin, umunlad kung kelangan pang umunlad, maging mabuti kung kelangan pang maging mabuti, mahalin ang mga dapat pa nating mahalin..

     Sa pagtawid natin sa panibagong taon, naway mapagnilay-nilayan natin kung paano pa natin gagawing mas makahulugan at makabuluhan ang ating buhay sa buong taon ng 2014.

     Maligaya't manigong bagong taon sa ating lahat. 

Pahabol na Salita:
     Imbes na paputok, pagkain sa lamesa ang bilhin. Salubungin ang bagong taon na kumpleto ang mga daliri at busog ang mga tyan. Have a happy new year everyone!

Nets

"..they left their nets and followed Him"
-Matthew 4:12-25


     Peter, Andrew, James and John were all fishermen. At the time Jesus called them to become fishers of men, they were all busy casting their nets to catch fish. This is their livelihood, their source of living. Yet, no matter how busy they were that time, and without hesitations they still chose to abandoned their nets, boats and even their fathers when they heard Jesus voice calling them to follow Him. If you were one of the disciples, will you follow someone whom you never met before asking you to abandon your "nets"?

     Jesus is not asking us to do the same. He understands our circumstance. He understands that we need to work for us to avail our needs in order to live, to support our family and loveones and to fulfill our dreams. He understands that sometimes we need to be busy and take an overtime in our work because our superiors have told us so and the deadlines are already near. In fact, He understands us in every single thing we thought He doesn't understand us.

     But there's something He eagerly wanted us to do for Him: He actually wanted that in everything that we do and in everytime that we are so busy casting our "nets", we still think of Him and choose to follow Him. That's all.

     Tonight, let's abandon our "nets" in a while and take time to talk to Him in prayer before we sleep.

;) 

Survivor

     Today, I attended The Feast with my lola. Bo (Sanchez) usually asks his listeners to tell someone sitting beside them with comforting and soothing words before starting his talk. And this morning, he encouraged everyone to say these words "God has been very good to you.". And upon telling those words to her (my lola), I immediately followed it with a question meant to be just a joke. I asked her "Talaga? Naging good si God sayo?". And out of nowhere, she answered me "Oo, naging good si God sa akin dahil hinayaan nyang maging survivor ako.". Her answer shocked and stunned me. She was pertaining to the Yolanda tragedy that happened in Leyte last year. She is very okay now that I almost forgot what she'd been through during the typhoon hit. I paused for a moment, smiled and thanked God for really being good not just to my lola but to each of us whom He loves.

     God is really good..

    ..all the time.

'Nay

     Hindi ko mabilang kung ilang sunny side up na itlog na ang nailuto mo sa'ken nung nag-aaral pa ako.. Kung ilang kalderong champorado at ilang pirasong tuyo ang inihanda mo sa lamesa para sa akin.. sinangag, automatic, pagkagising ko, pagsubo na lang ang kulang.. hindi ka masarap magluto, pero ang sarap ng instant pancit canton mo.. at ilang platitong ulam na ba ang naitabi mo dahil alam mong gutom ako pag-uwi ko? Naalala ko pa, galing ka sa isang handaan, at nagulat ako, may dala kang nakabalot sa tissue, at sabi mo pang-ulam ko.. pambihira, naisip mo pa yun?! Ikaw ang tigalaba ng mga damit ko dahil alam mong yan ang pinaka-ayaw kong gawin.. basta ako lang ang mag-iigib, swak na sayo yun.. nung nag-graduate ako ng elementary, binalot mo ang luma kong damit, at yun kunyare ang regalo mo saken.. natawa't nainis ako.. alam ko namang nagawa mo yun pra naman kahit papaano may gift din ako tulad ng ibang nag-graduate.. hindi ko alam kung nakailang beses kang tumakbo sa mga kapitbahay para lang may pambaon ako.. araw-araw, ginawa mo yun.. ng walang kapaguran.. ilang beses na kitang nasagot ng pabalang, pero ilang beses mo rin akong napatawad.. ilang beses mong sinasabi sakeng wag magkimkim ng galit, at hindi ko maintindihan dahil ikaw lang naman ang iniisip ko kung bakit masama ang loob ko sa ibang tao.. ilang beses mo ba akong hinila sa barber shop, para magmukha naman akong tao.. at ilang beses mo akong pinilit gumising ng maaga pag linggo para magsimba dahil tinatamad akong bumangon.. ikaw ang nagturong magkaron ako ng takot sa Diyos.. andaming alaalang naglalaro sa isip ko ngayon.. bawat alaalang ayaw kong bitawan.. lahat ng mga yun.. kasama ang paghalik ko sa kilikili mo.. alam ko mamimiss ko.. 

     Nagsisimula pa lang akong bumawi sayo.. pero excited ka naman ata.. kaka-Yolanda pa lang eh, tsk! Medyo madaya ka pala..

     ...naging malaking bahagi at epekto ka sa buhay ko.. kung ano ako ngayon, halos lahat ng yun ay dahil sayo.. hindi ako marunong magluto, pero dahil sanay ako sa mga luto mo, sumasarap kapag ako ang kumakain.. kung sobra ang pananalig ko sa taas, eh dahil yun sayo.. pati asthma namana ko pa sayo..

    "'nay.. okay na.. pahinga ka na.. mas maganda dun sa pupuntahan mo, wala ka ng mararamdamang sakit, wala ka ng proproblemahin.. magkikita pa kayo ni tatay.. sorry sa lahat ng mga katigasan ko ng ulo at pakikipag-away sayo.. at maraming maraming salamat sa pagturing mo sakin na parang anak.. maraming-maraming salamat sa pag-aaruga at pagmamahal.. sige na, pahinga ka na.. paalam na 'nay.."

    Yan ang mga huling salitang ibinulong ko sa mga huling oras nya at...

    "Mahal kita.. 'nay.."

"She's in Good Hands Now"

     Umaga ng Pebrero 23. Linggo.. Pagkagising ko.. tingin sa cellphone.. may messsage.. galing sa tita ko.. "Ano kayang meron? Mangungulit na naman siguro ang mga ito..", sambit ko sa sarili ko.. Nagulat ako sa nabasa, "Ha?! Hinimatay lang, comatose agad?!".. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.. madaling paniwalaan na ng dahil sa asthma nahimatay sya. Pero ang nahimatay at nacomatose agad, parang "exag" naman ata.. Parang ambilis naman ata ng mga pangyayari.. Tawag sa tita ko.. ano daw ang gagawin.. mga bandang alas 3 daw ng hapon darating ang ambulance sa hospital. Kaya agad-agad akong bumangon, naligo at nagbihis. Mga alas 2, lakad na ako.. habang nasa byahe, dasal ako, "Lord, tulad ng ginawa mo sa Yolanda, please save my lola.".. pagkadating ko, "Saan si Nanay?", pag-uusisa ko.. nasa loob daw.. dasal ulit. "Lord, bigyan mo ako ng lakas ng loob..". Nakita ko ang isang nurse.. may ginagawa sya.. abala.. may pina-pump.. may nakahiga.. kilala ko yung mga paa at suot na damit.. binobomba ng nurse ang hangin sa lola ko.. lapit ako.. lola ko nga.. umaangat ang balikat at dibdib sa bawat paghinga.. tulog.. nakapikit.. walang malay.. first time akong makakita na pina-pump ang pasyente ng hangin.. first time akong makakita ng pasyenteng may nakakabit na tubo sa lalamunan.. first time kong makakita ng pasyenteng comatose.. first time ang lahat, si lola ko pa..hindi ko napigilan ang sarili ko.. sa awa, sakit at takot, napaluha ako sa tabi ng lola ko.. awa dahil hindi ko inaasahang mararanasan ni nanay ang ganung kalubhang karamdaman.. sakit dahil ramdam na ramdam ko ang pinagdadaanan nya sa bawat paghinga at pagtulo ng luha sa mga mata nya.. at takot na anumang oras maaaring sumuko na sya.. bigla akong nagalit kay Lord.. sabi ko, "Sinusubukan mo talaga ako ha?! Ganito ba talaga dapat?! Pinaparusahan mo ba ako?! Tinitingnan mo ba kung hanggang saan ako kakapit at magtitiwala Sayo?!". Sa mga oras na yun, iniisip ko napaka-unfair Nya. I asked Him, "If this is really Your will, grant me courage, strength and wisdom to face this challenge.". Lumipas ang ilang oras.. bumuti daw ang response ng katawan ng lola ko.. nakahinga ako ng malalim.. tuloy sa pagdadasal.. tapos, biglang hindi na naman naging stable.. pinu-push ng paulit-ulit ang dibdib ng lola ko ng mga nurses at doctor.. parang hindi maganda ang nangyayari.. natakot na naman ako.. lumayo muna ako para hindi ako masyadong mag-alala.. ng maya-maya lang, may narinig akong nag-iiyakan.. mga kamag-anak ko.. lumapit ako.. sabi ng doctor, hindi na daw kaya ng gamot at pag-pump ng hangin sa lola ko.. at masyado na daw nagulpi ang dibdib ng lola ko kaka-diin para gawing normal ang tibok ng puso nya.. at itutuloy na lang daw ang pagpump, pag hindi na kinaya, wala na daw silang magagawa.. ilang saglit lang.. bumigay na si nanay.. sumuko na sya.. iniwan na nya kami..

     Gusto kong magpakatatag.. para sa mga kapatid at pinsan ko.. pero gusto kong umiyak.. gusto kong iiyak ang mga hindi maipaliwanag na emosyon.. wala na sya.. wala ng mag-aalaga saken sa tuwing dadalawin ko sya.. wala ng magtitimpla ng kape.. wala ng magtatanong kung kumain na ba ako.. wala ng mangungulit.. wala na akong hihigaang binti pag gusto kong matulog.. wala ng mag-aasikaso saken pag uuwi ako ng Leyte.. wala na akong mapagsasabihan ng mga sama ko ng loob.. lahat ng yun at iba pa, unti-unting kumakawala sa isip ko.. ayaw kong bitawan pero nagpupumiglas dahil yun ang katotohanan.. pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na may dahilan ang maagang pagpanaw ni nanay. Isa na yung wala syang aalahanin pa at wala na syang dadanasing karamdaman at di na nya kelangan pang magnebulizer.. at doon na lang ako kumukuha ng lakas.. 

     Nakakatawa dahil nakayanan nyang panglabanan ang hagupit at hambalos ni Yolanda, pero sa simple at dati nya pang karamdaman sya bumigay at natalo.. naisip ko.. siguro nung mga panahon ng Yolanda, pwede ring oras na rin ni nanay nun.. pero dahil hindi pa namin sya nakakasama ng lubusan, pinagbigyan sya at kami ni Lord na magkasama-sama.. sabi pa nga niya (lola ko) sa'kin, "mabait si God sa'kin dahil naging survivor ako..". Truly God was kind for allowing us to spend precious moments before she left us..

     Pang-apatnapu na araw ng kamatayan na nya ngayon (April 5, 2014).. aakyat na sya sa langit ng tuluyan.. sobrang namimiss na kita.. ingat sa pag-akyat 'nay. Pakibantayan na lang kaming lahat.

     Rest in Eternal Peace.

  I may not fully grasp and understand He's ultimate purpose of what happened in me and in my family, but I am certain that my lola is now in Good Hands. That alone is enough for me to believe in Him.

Duyan

Simpleng buhay lang ang maipapangako ko..
Isang bahay, katamtamang buhay at isang duyan..
Walang masyadong karangyaan, payak at hindi kumplikado..
Sa bawat pag-ikot ng oras, paggalaw ng araw..
Sa bawat pagsilang ng bagong umaga..
Hanggang sa pagbangon ng buwang walang kasing tapat..
Ang tanging hangad kapiling ka sa pagsayaw ng duyan..
Dito tayo gagawa ng mga sandali..
Dito tayo mahihimbing malayo sa masalimuot at madayang mundo..
Sa bawat pag-ugoy, nakaraan at kinabukasan ay ating susulyapan..
Dito iikot ang ating buhay..
Dito tayo mag-aaway, magkukulitan, hahalakhak, iiyak at mag-aakapan..
Masasaksihan natin ang bawat pagbitaw at pagsibol ng mga dahon..
Kikiligin tayo sa bawat ibong nag-iibigan..
At malalanghap natin ang iba't-ibang uri ng simoy ng panahon..
Dito sa duyan na ito tayo tatanda..
Dito sa duyan na ito lilipas ang lahat, mabubuo at tatag ang lahat ng tungkol sa atin..
Dito tayo magsisimula, mangagarap at mangangako..
Pag-uusapan natin ang kahit na pwedeng pag-usapan..
Di bale ng may kwenta o wala, ang mahalaga sa bawat pagbigkas ng ating mga bibig..
Ay nagtatama at nag-uusap ang ating mga mata ng masinsinan..
Dito sa duyan na ito..
Kung saan tunay at purong pagmamahal lang ang mararamdaman..
Oo, dito sa duyan na ito..
Kasama ka..

Saturday, December 7, 2013

Pandesal

Tradisyon na ng bawat pinoy na pagkagising sa umaga, kape't pandesal ang hinahanap na pang-agahan.

Bilang isang Kristyano, tradisyon naman na sa pagkagising sa umaga, si Jesus ang unang hinahanap.. ang "pandesal" na nagmula sa langit.

Basahin natin at pagnilay-nilayan si John 6:32-40.

Halina't simulan natin ang bawat araw na hinahanap ang tinapay na nagbibigay buhay.

 :)

Friday, December 6, 2013

Debut

Marami na rin akong nadaluhang debut (18th bday) ng babae. Yung iba dun, debut ng friend ng friend ko, in short, "eat-and-run" ako. At lahat yun bongga. Lalo na sa pagkain.

May mga debut na sumasagi sa isip ko na sobrang mahal lang talaga ng mga magulang ang anak nila kaya nila ipinaghahanda ng ganung kabongga ang special na araw na tulad nito.

May mas bonggang handaan na mangyayari pag nagbalik-loob tayo sa Ama't Panginoon natin.


Halina't basahin natin si Luke 15:11-24. 

Ganun Nya tayo kamahal. 

Thursday, December 5, 2013

Eksampol

Sa skul nung nag-aaral pa tayo, para matutunan natin ang isang lesson lalo na pag math, kelangan natin ng examples. Sa examples kase tayo natututo. Sa examples natin binabase, halimbawa sa math, ang tamang paraan ng pagsagot. 

Bilang isang Kristyano, may example din tayong sinusundan - ang buhay ni Kristo. Hindi na natin kelangang pang mag-eksperimento't magkamali kung pano nga ba mabuhay kase lahat ng examples na dapat nating sundan eh ipinakita na Nya.


Pano nga ba Sya nabuhay?

Kaya kelangan nating magbasa ng mahiwaga Nyang diary, ang bible.

As a start, halina't alamin natin ang ilan sa mga dapat nating gawin, sundan at iwasan bilang isang Kristyano sa Ephesians 5:1-10.

Wednesday, December 4, 2013

Tongues

Nung bata ako, may isang paboritong linya ang lola ko pag may hinahanap akong bagay na hindi ko makita tas daldal lang ako ng daldal..

"Mata kase ang gamitin mo sa paghahanap, hindi bibig..".

Funny but true.. =))

Minsan ganun din tayo bilang Kristyano, imbis na hanapin ang sagot sa mga katanungan natin, mas umiiral sa atin ang pagiging reklamador natin.

Halina't buklatin natin si bible o kaya i-Google na lang natin si Luke 11:9-13 at alamin natin na sa bawat:


  • PANGANGAILANGAN, tayo ay bibigyan
  • PAGHAHANAP, tayo ay gagabayan
  • PAGBABALIK-LOOB, tayo ay tatanggapin pa rin
Amen!:)

Tuesday, December 3, 2013

Tubig

Araw-araw tayong umiinom ng tubig. Kase kelangan ng katawan natin. Pwedeng direkta sa gripo o kaya bumibili sa mga tindahan ng purified o distilled.

Pero gaano ba tayo kasigurado na ligtas nga yung tubig na iniinom natin? Eh hindi naman natin alam kung pano nga ba nila ginagawang maiinom ang tubig.

Hindi natin alam, pero may tiwala tayo.

Pag binasa natin si Hebrews 11:1-40, mas mamamangha ka sa kapangyarihan ng pagtitiwala.

Faith is believing even without seeing. :)

Saturday, November 30, 2013

Romantiko

Minsan may isang romantikong boyfriend..

"Umulan, bumagyo, kumidlat, lumindol, gumuho man ang mundo, tamaan man ng asteroid ang planeta natin, hahamakin ko ang lahat, makapiling ka lamang! Ganyan kita kamahal!"

Tanong ng girlfriend..

"Weh? Eh bat di mo'ko sinipot nung isang araw?"

Sagot ng boyfriend..

"Umambon kase.. wala akong payong."

A classic funny story.

Pero gaano nga ba karomantiko ang pagmamahal natin sa Diyos? Pano pag nawalan rin tayo ng "payong", "hahamakin" pa rin ba natin ang lahat?

Halina't basahin natin sina Matthew 22:36-38 at Mark 12:28-30 at alamin natin ang pinakaromantikong paraan ng pagmamahal sa Diyos.

Lip service no more. :)

Wednesday, August 7, 2013

Kultura

Sa probinsya namin may mga gabing may instant ulam at gulay na kami sa hapag-kainan. Hindi namin binili, hindi namin hiningi, hindi namin inutang, hindi namin ninakaw, at lalong hindi namin minadyik! Ni hindi nga kami nag-effort magluto eh.. Eh saan nga ba galing? Galing sa mga mababait naming kapitbahay. At madalas nangyayare 'to pag may bonggang celebration - birthday, binyag , o kaya nanalo sa sabong!;)

Kultura na kase ang pagbabahagi ng biyayang natanggap mo sa kapitbahay kahit isang mangkok ng tinolang manok lang yan. ;)

Pero pang-probinsya nga lang ba ang kulturang tulad nyan?

Hindi ba applicable sa syudad yan? Sa probinsya lang ba umuulan ng biyaya?

Andami nating dahilan para hindi magawa ang kultura ng pagbibigayan. Pag inisa-isa pa natin ang lahat ng yun, makakagawa tayo ng isang buong novel at take note may sequels pa sa sobrang dami. At yun ang nakakatawa. Andaming tumatakbo sa utak natin para hindi magbigay, pero actually, isang mangkok ng tinolang manok lang ang kelangan ng taong dapat nating tulungan. At solb na sila. Masaya na sila. At maniwala ka, ikaw na nagbigay ay mahahawa rin sa kaligayahang naramdaman nila. Wag mo na lang alamin kung pano mangyayareng mahahawa ka sa kanila, yan kase ang madyik ng kultura ng pagbibigayan.

Magbigay tayo, mananalo pa tayo sa sabong.

;)

Sunday, May 12, 2013

Kuko't Boto

May batas na bang nagpapatupad na dapat pagkatapos bumoto, kunan ng litrato ang mga hintuturo't i-share sa Facebook at Instagram?

Andaming madudumi ang hintuturo ngayon. At ito'y magandang senyales para sa mga manikyurista: extra income, kikita sila. At dahil hindi sapat ang mertayulet at kyutiks sa sobrang daming customers na magpapalinis, magandang senyales naman 'to para sa mga tindero't tindera ng mga produktong pang-kuko: kikita din sila. At dahil kukulangin sa supplies ng mga ganung klaseng produkto dahil sa sobrang daming manikyuristang gustong bumili, magandang senyales naman 'to para sa mga pabrikang gumagawa ng iba't ibang parapernalya ng mga manikyurista: lalakas din ang kita nila. At dahil may tyan din ang mga taong nagtratrabaho sa mga pabrikang 'to, gugutumin sila. At magandang senyales naman 'to para sa mga nagkakarenderya: kikita din sila. At dahil sa sobrang daming gutom na customers ang gustong kumain, kelangan ng mga nagkakarenderyang dagdagan ang mga niluluto nila, kaya kelangan nilang mamalengke't mamili ng mas madami. At ito'y magandang senyales para sa mga nagtitinda ng karne, gulay, isda, bigas at mga rekado: karagdagang kita ito sa kanila. At dahil magiging mabenta ang mga ganitong klaseng produkto, magandang senyales naman 'to para sa mga magsasaka, mangingisda, nagpo-poultry at mga nagpi-piggery: extra kita 'to sa kanila. At dahil pangarap ng mga taong 'to na makapag-aral ang mga anak nila, matutupad na ang mga ito't magagawa na ng mga bata na makapag-aral: magandang senyales sa kinabukasan ng Pilipinas - ang kabataan ang pag-asa ng bayan ika nga. And so and so forth.

Unang mapapansin: chain reaction. Pero ito ang punto: sa pagdumi ng hintuturo mo't pagboto, andaming apektado. Sa matalino mong pagboto, magandang senyales 'to para sa mga  manikyurista, tindero't tindera, mga  industriya't pabrika, mga magkakarne't magsasaka, sa mga bata, sa kanila, sayo, saken at sa buong bansa natin: babangon at aasenso tayo. Hahalal tayo ng mga taong magtataguyod at magbabangon sa bansa nating dapang-dapa at rugmok sa kahirapan. Sa araw na 'to, pipili tayo ng mga lider na mas pinipili ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng bawat pilipino. Maging magandang senyales sana ang araw na 'to para sa bawat isa satin at magbigay ng panibagong pag-asa. At yan ay sa pamamagitan lamang ng malinis na konsensya at matalino nating pagboto.

Madumi man ang mga kuko nating uuwi sa ating mga tahanan, malinis naman at payapa ang ating kalooban: dahil bumoto tayo ng tama.

Pagpupugay sa mga taong may paninindigan at bumoto ng tama.

Ahon Pinas.

Wednesday, April 24, 2013

Palarer Yunibers


May pinapanood akong..
Series ngayon..
Hindi naman ako mahilig..
Sa mga ganun..
Kase sa totoo lang..
Hindi ko nakakaptyur..
Lahat ng mga dayalog..
Nung mga naglalaro..
Sa kwento..
Minsan nga..
May episode na..
Natapos na lang..
Eh hindi ko pa na-gets..
Yung buong istorya..
Siguro..
Kung pagagawin ako..
Ng reaction paper..
O kaya summary na lang nung kwento..
Title lang ang maisusulat ko..
Sa kopun band..
With matching margin..
Na nakatupi..
Side-by-side..
Bottom and top..
Hmmnn..
Pero etong isang 'to..
Parang nahuhumaling ako..
Ulit..
Hindi ko na-gegets lahat..
Pero hindi naman ako..
Ganun ka-slow..
Para hindi ko maintindihan..
Yung iba..
Merong episode..
Na parang napaisip ako..
Habang pinapanood ko..
Yung episode na..
Kung saan inintrodyus..
Yung konsepto..
Nung parallel universe..
Ang ibig sabihin daw nyan..
Batay sa palabas..
Na pinapanood ko..
Yan daw yung..
May iba pang yunibers..
Na nag-eeksist..
Maliban sa yunibers..
Na meron tayo..
At sa bawat yunibers daw na yun..
Ay may eksaktong bersyon..
Ang bawat isa sa atin..
At habang pinapanood ko..
Yung palabas..
Napansin ko..
May iba't-ibang kwento..
Ng buhay..
Ang bawat..
Eksaktong bersyon..
Sa bawat yunibers..
Halimbawa..
Artista ka sa yunibers natin..
Pero sa ibang yunibers..
Isa ka lang..
Sa mga fans..
Ko..
(aherms! halimbawa lang naman..
Pagbigyan mo na..)..
O kaya..
Silent type ka dito sa yunibers natin..
Pero sa ibang yunibers..
Ikaw ang dahilan..
Nung pagkalat nung tsismis..
Na bading daw si..
(Hindi na ako magne-name drop..)..
Yung mga ganung halimbawa..
Tas yun..
Habang nakaharap..
Sa laptop..
At pinipilit intindihin..
Yung palabas..
Napaisip ako..
Pano kung totoo yung..
Sinasabi nung palabas..
Pano kung..
Sa ibang yunibers..
Eh..
Sobrang gwapong..
Artista daw ako..
?
Ano magiging reaksyon mo..
Sa kayabangan ko ngayon?
Pero dyowk lang!
Hindi..
Ganito kase..
Sa totoo lang..
Ikaw ang naiisip ko..
Habang nanonood..
At yung labstory na..
Binubuo natin ngayon..
Pano kung sa ibang yunibers..
Eh miski maging magkaibigan..
Eh hindi tayo naging ganun?
Anlungkot noh..
Tas dun sa ibang yunibers daw na yun..
Eh ansungit-sungit mo..
Suplada ka daw..
Tas si Ako..
Hanggang pangarap..
Ka lang daw..
Yung tipong nakatingala pa..
Sa mga bituin..
At sinusubukang..
Pagdugtung-dugtungin..
Ang bawat tala..
Yung tipong konekdadats na laro..
Para lang gawin..
Ang imahe nung mukha mo..
Nangangarap na..
Magkros yung landas natin..
Kunyare..
Tulad nung mga teleserye..
Magkakabanggaan daw tayo..
Tas dun si Ako..
Magkakaron ng tsans..
Na makilala ka..
Tas parang tyora ng Bigbang..
Dun magsisimula ang lahat..
"Sorry" muna..
Tas "hi"..
Tas sabay hingi ng selpon namber..
(Style ng mga lalake)..
Tas teksmeyt muna..
"Kain na u.."..
"Take care u.."..
"Good night.."..
"Sweet dreams.."
"I miss u.. jejeje!"..
Tas paramdam na..
Tas aminan na..
Tas ligaw na..
Tas yung happy ending na..
Magiging kayo ni Ako..
Tas..
Hindi pa pala..
Ending..
Sa part 2..
Magkakaroon kayo..
Ng family..
Tas magkakaanak..
Tas yung tipong...
May skedyul kayo..
Weekly..
Na mamamasyal sa luneta..
Na magmomovie marathon..
Na magpi-picnic..
Na magsisimba..
Na magkakasama..
Buong pamilya..
Yung mag-aaway kayo..
Sa iskedyul..
Nung pagtitimpla nung..
Gatas nung anak nyo..
Yung mapupuyat kayo..
Dahil..
Ayaw matulog..
At ngawa ng ngawa..
Ang baby nyo..
Tas dahan-dahan..
Sinusubaybayan..
At pinapanood nyo..
Yung bawat paglake't..
Pag-unlad nung..
Mga mga anak nyo..
Yung magiging proud kayo..
Kase taon-taon..
May medal yung anak nyo..
"Most helpful"..
Tas yung hanggang sa..
Magbinata't..
Magdalaga..
Magkasyota..
Magka-asawa..
Tas yung hanggang sa..
Magka-apo kayo..
Yung may magmamano na sa inyo..
Yung may tatawag na sa inyo ng..
"Granny"..
(Kase gusto nyo sosyal)..
Tas yung hanggang sa magreretire..
Na kayo sa trabaho..
Kase nirarayuma na kayo..
Yung hanggang..
Sa pumuti na..
Na lahat ng buhok..
Nyo't..
Mapanot..
Yung bawal na ang pork..
Bawal na ang beans..
At paunahan na kayong..
Maubos ang ngipin..
At gilagid na lang..
Ang ginagamit nyo..
Sa pag-nguya..
Ng magkasama..
Lahat ng mga yun..
Nasa isip pa lang..
Ni Ako..
Nilalaro't..
Nialalagyan pa ng iba't-ibang detalye..
Detalyeng..
Punum-puno ng pagmamahal..
At kilig..
Lahat ng mga yun..
Pangarap pa lang..
Ni Ako..
.
Kaya naisip ko't..
Napagtanto..
Ako na ang pinaka-mapalad..
Na bersyon ng sarili ko..
Kase..
Silang lahat na bersyon ko..
Sa ibang yunibers..
Malamang..
Hindi ka kilala..
O mas worst pa..
(mas na, worst pa)..
Pinapangarap ka lang nila..
At inaasam-asam..
At napag-isip-isip ko din..
Oo, mabagal akong maka-gets..
Pero eto..
Na-gets ko..
Na sa lahat ng bersyon..
Ako lang ang nabigyan..
Ng perpektong tsans..
Para makilala ka't..
Makasama ka't..
Mahalin ka't..
Mahalin mo din ako..
Ansarap sa feeling na ako..
Yung bersyon ko..
Yung gumagawa ng ewan na..
Artikol na 'to..
O sige, reaction paper na lang..
Reaction paper ng labstory natin..
Eh nararanasan na..
Yung pangarap lang..
Ng ibang bersyon ko..
At eto..
Pangako..
Marami man ang bersyon ko..
Malamang may bersyon ko din..
Na sinasaktan ka lang..
Pero ang bersyon..
Na meron ka ngayon..
Sa yunibers natin..
Oo, ang bersyon na meron ka..
Eh medyo sablay minsan..
Pero..
Ako ang bersyon..
Na gagawin ang lahat..
Para tuparin..
Ang mga pangarap..
Na nilalaro lang..
Sa isip..
At kinukulayan..
Ng mga nakakakilig na detalye..
Ng bersyon ko sa ibang yunibers..
Na pinangalanang kong..
Si Ako..
Oo..
Binubuo pa lang natin..
Ang labstory natin..
Pangako..
Itutuloy ko 'to..
Hanggang sa rayumahin na tayo't..
Andami ng masasakit sa iba't-ibang bahagi ng katawan..
Pangako..
Sa eksaktong yunibers na 'to..
Na tinutungtungan mo..
Makikita mo..
Ang eksaktong bersyon ko..
Sa bawat paggising mo..
Sa umaga'ng..
Proud na proud..
Na nakanganga't..
Tulog pa't..
Nakabuyangyang ang..
Magkabilang..
Gilagid.
Pangako..
Eto ang magiging..
Eksaktong yunibers..
Na may perpektong bersyon..
Ng labstory natin..
P.S..
Bulol ang taytel..
Pansin mo?
;)


Wednesday, April 10, 2013

Koyns


Kwentahin natin..
Ang populasyon..
Ng Pilipinas..
?
.
Sabihin na nating..
Isang milyon..
Tas..
Sabihin na nating..
Ang..
Pitong-daa't..
Limampung..
Libo..
Sa bilang na yun..
Ay mahihirap..
Tas..
Ang mahihirap na yun..
Ay..
Mga walang bahay..
"Worst case scenario"..
Ika nga..
Tas ganito..
Magkano ba ang bahay?
O sige..
Kunyare..
Limampung libo..
..
Sa unang sulyap..
Sa problema..
Para sa karamihan..
"Hopeless"..
...
Pero..
Teka..
May wirdo..
Akong naisip..
....
Ganito..
Ilan ulit..
Ang populasyon..
Natin?
Isang milyong..
Hmmn..
Sa bawat araw..
Ganito..
O sige..
Kunyare na muna..
Kunyare..
Sa bawat araw..
Lahat tayong..
Kabilang..
Sa isang milyon..
Na yun..
Eh magbibigay ng..
Piso..?
So..
Isang milyon tayo di ba?
Kung lahat tayo..
Magbibigay ng piso..
Kelangan pa ba nating..
Gamitan ng..
Kalkyuleytor..
Kung magkano..
Ang maiipon natin..
Sa bawat araw?
Isang milyong tao..
Isang milyong piso..
Sa isang araw..
...
Balik tayo..
Sa presyo ng bahay..
Limampung libo..
1M..
Debay-debayd..
50T..
Anong sagot?
Dalawampu..
Dalawampung tao..
Ang magkakaroon..
Ng bahay..
Sa isang araw..
Lang..
Eh pano kung..
Gawin natin 'to..
Sa isang buwan?
So..
20 tayms 30..
Ilan ang sagot?
Anim na daang..
Tao..
Ang magkakabahay..
Ilan ulit..
Ang walang bahay?
Pitong-daa't..
Limampung libo..
Debay-debayd ulit..
750T..
Debay-debayd..
600..
Ano ang lumabas..
Sa kalkyuleytor?
Labindalawang Libo't..
Limandaan..
Idebayd ulit natin..
Sa twelb..
Para makuha natin kung..
Ilang taon..
Ang gugugulin..
Para lahat ng mahihirap..
Ay magkabahay..
Pumapatak sa..
Isang libo't..
Apatnapu't..
Isang taon..
Antagal!!
Pero teka..
Teka..
Piso pa lang yun..
Pano kung dalawampiso?
o kaya, tatlumpiso?
O kaya, sampumpiso?
Aabutin lang tayo..
Ng..
Isang daang taon..
Para magkabahay..
Ang lahat..
Sampumpiso??
Teka lang..
Parang anglaki na..
Noh?
Teka lang muna..
Mas mahal pa po dyan..
Ang ekstra rays..
Na hindi natin nauubos..
Ang kalahating..
Kahang yosi..
Ang load para..
Makapag-anliteks..
To all network..
Ang baywan-tekwan..
Na pantalon..
Sa ukay-ukay..
At..
Ang DVD sa Baclaran..
....
Syempre..
Hindi pedeng..
Walang magrere-ak..
Sasabihin ng iba..
Sa atin..
"Wooh!! Kasalanan..
Nila yan..
Kung bakit sila..
Naghihirap..
At walang maayos..
Na tirahan..
Kasalanan ng mga..
Magulang nila..
Kasalanan ng mga..
Kamag-anak nila..
Kasalanan nila..
Kase tatamad-tamad..
Sila..
Pag tinulungan..
Pa natin..
Mamimihasa't..
Aasa't-aasa..
Na lang sila sa..
Sa sampumpisong..
Ibibigay natin..
Araw-araw..
Dapat..
Magsikap sila..
Na makaahon..
Sa kahairapan.."..
......
Pero..
Teka lang..
Kapatid..
Ganito kase..
Bakit may mga bagay..
Na hindi mo ginagawa't..
Hindi magawa?
Kase mahirap..
Kase hindi mo PA kayang..
gawin..
Kase hindi mo PA..
Alam kung saan..
Magsisimula..
Kase minsan pa nga..
Eh..
Nawawalan ka ng..
Pag-asa..
Na magagawa mo..
Ang isang bagay..
Siguro..
Marahil..
Yun din..
Ang dahilan..
Ng nakararami..
Kung bakit..
Lugmok pa din..
Sila sa kahirapan..
Kase anghirap..
Magsimula..
Kase hindi nila..
Alam kung..
Saan magsisimula..
Para makabangon..
Kase akala..
Nila..
"Hopeless" na..
Wala ng pag-asa..
Para sa kanila..
........
Kaya..
Ayon..
Siguro..
Bilang panimula..
Eh tulungan natin..
Silang makabangon..
Muna..
Yun bang..
Alalayan muna natin..
Silang tumayo..
Sa pagkakadapa..
At mula dun..
Tulungan..
Natin silang..
Tumayo..
Sa sarili nilang..
Mga paa..
Na kung saan..
Hindi na sila..
Habambuhay..
Na aasa pa..
Sa iba..
At..
Kunyare..
Simulan natin yun..
Sa pagkakaroon nila..
Ng..
Bahay..
.........
Wirdong..
Mungkahe lang..
......
Andami na..
Nating..
Inisip..
Na kumplikadong..
Paraan..
Para lang..
Masolusyunan..
Ang kahirapan..
Pero..
Mukang..
Walang naging..
Epektib..
Kase nga..
Kumplikado..
Hindi kayang..
Sundan ng ilan..
May agam-agam..
Ang nakararami..
Pero..
Kababayan..
Parang..
May simple..
Atang paraan..
At hindi kelangan..
Ng matalinong..
Utak..
Para maintindihan..
At yan..
Ay nasa kapangyarihan..
Ng mga..
Kumakalansing..
Sa mga bulsa natin..
Na tinatawag nating..
Koyns..
Bakit hindi natin..
Subukan..?